Kompanya sa Japan, nagbibigay ng paid vacation sa mga empleyadong titigil sa paninigarilyo!

Isang marketing agency sa Tokyo, Japan ang nagbibigay ng six days paid vacation leave sa mga empleyadong hindi na maninigarilyo sa trabaho!

Nagsimula ang kakaibang incentive na ito ng Piala Inc. nang may isa silang employee na nagrereklamo tungkol sa cigarette break ng kanilang kompanya.

Ayon sa naturang employee, nakakasira sa productivity nila ang cigarette break dahil ang kanilang opisina ay nasa 29th floor samantalang ang smoking lounge ay nasa basement ng building. Inaabot ng 15 ­minutes ang mga empleyadong smokers bago makabalik sa 29th floor at nasisira nito ang work flow ng lahat ng tao sa opisina.

Nang makarating ito sa CEO ng kompanya na si Takao Asuka, na-realize nito na may punto ang reklamo ng empleyado. Pero hindi naman niya maaaring alisin ang cigarette break ng mga empleyado dahil karapatan nila ito kaya naisipan niya na bigyan ng incentive ang mga hindi na maninigarilyo sa oras ng trabaho.

Kaya nag-anunsiyo ang kompanya na ang mga empleyadong hindi na gagamit ng cigarette break ay magkakaroon ng six days paid vacation leave. Naisipan din nila na magandang paraan ito para tumigil na permanently sa paninigarilyo ang kanilang mga empleyado para sa kanilang kalusugan.

Para sa kalusugan ng kanilang mamamayan, ilang kompanya na sa Japan ang naghihigpit sa smoking policies.

Show comments