^

Punto Mo

100 psychology skills na dapat ma-master sa buhay (Part 3)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

POSITIVE attitudes na dapat isabuhay tungo sa tagumpay at masayang buhay:

• Maging matapang. Harapin mo nang buong katatagan ang iyong mga kinatatakutan.

• Lumabas at makipagniig sa kalikasan.

• Kung hindi naman ikakasira ng iyong pagkatao, huwag mong kontrahin ang opinyon ng isang mangmang gaano man ito kawalang kuwenta.

• Gumising nang maaga.

• Maghanap ng dahilan kung bakit dapat kang mabuhay nang matagal.

• Tanggapin ang pagkakamali ng mga kaibigan.

• Huwag matakot sa kamatayan. Basta’t alagaan mo ang iyong sarili, mag-ingat at magdasal upang maiwasan ito.

• Huwag susuko, laban lang.

• Huwag makipagtalo sa hindi mo nakikita at nakikilala (online trolls). Sanay sila sa ganyang gawain at may perang kapalit ang kanilang ginagawa. Samantalang ikaw, stress lang ang mapapala.

• Iwasan ang maging people pleaser. Ang isang bagay na hindi mo makakamtan kahit kailan ay gustuhin ka ng lahat ng tao sa iyong paligid gaano ka man kabuting tao.

• Huwag magsalita ng negatibong bagay tungkol sa iyong sarili.

• Bigyang pansin ang sinasabi ng iyong mga kritiko.

• Pamahalaan mong mabuti ang iyong pera.

• Tigilan na ang pagrereklamo.

• Maging tapat sa minamahal.

BUHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with