Isang pirasong lego na gawa sa 14k gold, naibenta ng $18,000!

ISANG lego piece na inakalang walang value ang ngayo’y napasubasta sa halagang $18,000 (katumbas ng P1 million).

Ayon sa Goodwill thrift store worker na nakahanap ng gintong lego, dumating ito sa kanilang store mula sa isang donation. Nakalagay ito sa isang lumang bag ng alahas at nang inspeksyunin, hindi nila in-expect na may value pala ito.

Binenta nila ito sa kanilang online store sa halagang $14.95 (P828).

Saka nila na-realize na mataas ang value nito nang may nag-message sa kanila na nagsasabing willing silang bilhin ito sa halagang $1000.

Nag-research online ang mga staff ng Goodwill at nalaman nila na “Kanohi Hau” ang tawag sa lego piece na ito. Rare ito para sa mga Lego collectors dahil mayroon lamang 30 pieces nito sa buong mundo.

Pina-auction ito ng Goodwill at nabenta ito sa halagang $18,100 sa isang anonymous collector. Ito na ang tinaguriang “Most Expensive Lego Piece Ever Sold”.

Show comments