^

Punto Mo

Lalaki sa Argentina na nagpaopera sa gallbladder, nagulat na vasectomy ang ginawa sa kanya!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 41-anyos na lalaki sa Cordoba, Argentina ang nagulat na vasectomy ang ginawa sa kanya imbis na gallbladder surgery!

Noong Pebrero 28, naka-schedule para sa gallbladder surgery si Jorge Baseto sa Florencio Díaz Provincial Hospital.

Ngunit na-reschedule ito ng Pebrero 29 (Miyerkules). Walang kaalam-alam si Baseto na ang ope­rasyong gagawin sa kanya ang magiging dahilan nang malaking medical malpractice scandal sa buong Argentina.

Ayon kay Baseto, noong araw ng kanyang surgery, basta na lamang siya inilagay sa stretcher nang hindi kinukumpirma sa kanya kung anong operasyon ang kailangan niya at hindi rin tiningnan ng mga doktor ang kanyang patient chart.

Pagkagising ni Baseto mula sa kanyang operasyon, pinuntahan siya ng doktor para siya tingnan. Pero nang binasa ng doktor ang kanyang patient chart, nagulat ito at sinabihan siya na vasectomy procedure ang nagawa sa kanya imbis na gallbladder surgery.

Napag-alaman na ang araw ng Miyerkules ay araw ng mga vasectomy operation sa Flo­rencio Diaz Provincial Hospital. Dahil dito, nag-assume ang mga doktor na ito ang procedure na kailangang isagawa kay Baseto.

Agad sumailalim sa gallbladder surgery si Baseto. Pagkatapos maka-recover sa operasyon, agad niyang inalam kung puwede ba siyang sumailalim sa vasectomy reversal. Ayon sa mga doktor, maaari itong gawin ngunit maliit na ang tsansa niyang magkaroon ng anak. May dalawa ng anak si Baseto ngunit may bago siyang asawa at balak niyang magkaroon pa ng anak.

Sa kasalukuyan, kumuha na ng lawyer si Baseto at pinag-aaralan na nila kung ano ang mga kaso na isasampa laban sa Florencio Diaz Provincial Hospital.

VASECTOMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with