^

Punto Mo

Best advice

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Huwag personalin ang masamang inuugali ng ibang tao sa iyo. Ang ikinikilos niya ay repleksiyon ng kung ano ang nararamdaman niya tungkol sa kanyang sarili. Kung mahilig siyang magsabi ng bobo sa ibang tao, deep inside, alam niyang siya ang totoong bobo.

2. Kung mali, huwag mong gawin. Kung hindi totoo, manahimik ka. Ganoon lang kasimple.

3. Pakiramdaman mo kung kanino lumalakas ang iyong energy at kung kanino naman nanghihina ito? Iyon ang ibinibigay na senyales ng universe kung sino ang dapat na pahalagahan mo at sino naman ang dapat na layuan mo.

4. Ang mga bata ay parang mirror, napakagaling manggaya sa mga ikinikilos at sinasabi ng matatanda. Kaya, be a good reflection for them.

5. Huwag makinig sa kritisismo ng taong hindi mo pag-aaksayahan ng panahong hingian ng payo.

6. Huwag na huwag mamalimos ng pagmamahal. Kung ang iyong text, tawag o personal na pagbisita sa kanya ay kanyang binabale-wala, oras na para lumayo ka. Ang tawag doon: SELF-RESPECT.

7. Ang masakit na katotohanan ay mas mainam kaysa inililihim na kasinungalingan.

8. Huwag kang magsisi kung naging mabait ka sa taong may masamang ginawa sa iyo. Ang ginawa mo at ginawa niya ay nagsasaad ng kanya-kanya ninyong  pagkatao.

9. Hindi lahat ng kasama mo sa trabaho ay kaibigan mo. Para makaiwas sa intriga: Magtrabaho nang mahusay. Sumuweldo. Umuwi ng bahay. Tapos ang kuwento.

10. Magpakasal sa lalaki/babaing kapag nagkaanak kayo ay matutuwa kang sabihan na: “Uy, mana siya sa iyong asawa!”

ADVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with