Bakit ka nagiging makakalimutin?
MALI na lagi nating naiuugnay ang pagiging makakalimutin sa Alzheimer’s disease. May iba pang dahilan kung bakit tayo nagiging makakalimutin:
1. May iniinom tayong gamot na may side effect sa memory kagaya ng antihistamine, depression drugs at anticholinergic drugs (gamot sa vertigo, asthma, cystitis, insomnia, sinus bradicardia, etc.)
2. Depressed ka. Ang brain region na naaapektuhan kapag nakakaranas ng depresyon ang isang tao ay yung bahagi kung saan ang function nito ay may kinalaman sa memory, the speed at which we think, attention, and problem-solving ability.
3. May sleep apnea. Nagkukulang sa oxygen ang utak kapag may sleep apnea na nagdudulot ng bad effect sa memory at thinking ability.
4. Matakaw sa alak.
5. May matagal nang sakit kagaya ng diabetes, alta presyon, high cholesterol, thyroid, liver, kidney at kahit simpleng Urinary tract Infection.
6. Matanda ka na. Ang Alzheimer’s disease ay dumarating sa edad na 65 pataas. Huwag mag-alala kung nakakaranas ng mild forgetfulness dahil ito ay common na nangyayari sa kahit sinong tao, matanda man siya o bata.
- Latest