^

Punto Mo

‘Barko’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ito noong dekada 70. Edad 10 ako nun. Unang pagsakay ko sa barko kasama ang aking lola patungong Maynila. Noon ay gawa pa sa kahoy ang mga pampasaherong barko—hindi katulad ngayon na bakal at mas malalaki.

Palibhasa ay nun lamang ako nakasakay sa barko, hangang-hanga ako. Masarap sa pakiramdam ang idinuduyan ng alon ang sinasakyan.

Pinagbawalan ako ng ­aking lola na huwag maging malikot. Dun na lang daw ako sa tabi niya at mamaya-maya ay aalis na ang barko. Baka raw ako mahulog. Mga alas onse ng umaga noon. Kakaunti pa ang pasahero dahil karaniwang araw lamang nun.

Pero hindi ko pinakinggan si Lola. Nang makatulog ito ay namasyal ako sa kabuuan ng barko. Gusto kong makita ang lawak ng dagat kaya umakyat ako sa upper deck.

Nang makaakyat ako, ­hangang-hanga ako dahil nakita ko ang asul na dagat. Nilibot ko ang upper deck. Sinilip ko rin ang kinaroroonan ng kapitan.

Nang magsawa ako, bumalik ako sa ibaba na kinaroroo­nan ni Lola. Tulog pa rin ito.

Namasyal uli ako. Tinungo ko ang hulihang bahagi ng barko kung saan may mga taong pinanonood ang mga batang sumisisid ng inihahagis na barya. Siguro ay mga lima ang batang sumisisid ng barya. Tuwang-tuwa ako.

Dumukot ako ng barya para maghagis din.

Pero dahil mataas ang barandilya ng barko, hindi ko maihagis kaya umakyat ako. Sa pag-akyat ko sa barandilya, nawalan ako ng panimbang at nahulog sa tubig. Nagsigawan ang mga tao. Pagbagsak ko sa tubig, kumawag-kawag ako. Hindi ako marunong lumangoy. Nag-unahan ang mga batang sumisisid ng barya para ako tulungan. Nasagip ako.

Noon pala ay nag-aalala na si Lola dahil hindi niya ako makita. Iyak ito nang iyak nang malaman ang nangyari sa akin.

Hindi ko malilimutan ang pangyayaring iyon na muntik na akong mamatay.

SHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with