HINDI pulis ang pumasok at nagnakaw sa Agencia Brillantes jewelry store sa Koronadal City, South Cotabato noong Pebrero 21, ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. Nilinaw ni Acorda na ang dalawa sa anim na suspects, ay nakasuot ng blue t-shirt na pang-itaas, ang athletic uniform ng PNP, para iligaw ang mga witnesses sa kaso.
Ginawa ni Acorda ang paglilinaw matapos kumalat sa social media ang video ng insidente at nagpista ang mga Marites na pulis ang may kagagawan nito. Sal-it! Ayon kay Acorda, may sapat na ebidensiya na sila laban sa mga suspects, at sinisiguro n’yang malulutas ang kaso sa lalong madaling panahon. Mismooooo!
Iginiit ni Acorda na ginagawa na ng PNP ang lahat para maresolba ang kaso, lalo na’t nakilala na ang dalawang suspects na nakasuot ng police uniforms. Maliwanag sa video, aniya, na nagpanggap lang silang pulis para hindi mahalata ng mga passersby na magnanakaw sila. Araguyyyyy!
“May nakuhanan na tayo ng mga statements identifying the suspects and we have some leads. Unfortunately, hindi ko puwede sabihin ngayon. That will help us better pursue leads para hindi naman maalarma. We are doing our best para ma-solve ang kaso also yung nakasuot ng pulis na-identify na rin natin and they are just wearing our uniforms and hindi talaga pulis,” said Acorda. Tsk tsk tsk! Bilang na ang araw ng mga suspects, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!
Makikita sa video na hindi nakaporma ang mga guwardiya sa jewelry store sa Osmeña Street, Bgy. Zone 2, Koronadal City, dahil ang dalawang nagpanggap na pulis ang unang pumasok at sinabing may dala silang search warrant. Dinisarmahan ang mga guwardiya ng kanilang baril, isa rito ang shotgun, at pinadapa sila. Pumasok na rin ang kanilang kasamahan at isa dito ay minaso ang estante kung saan naka-display ang mga ibinibentang alahas.
Pagkaraan ng ilang sandali, lumayas ang mga suspect at hindi naman sinaktan ang cashier na si Ofelia Castillo Oronse, at mga kasamahang tindera na nagtago sa likod ng tindahan habang nililimas ng mga nanloob ang laman ng estante. Milyones ang nawala sa jewelry store. Tiyak ‘yun! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Dahil sa insidente, iniutos ni Acorda na higpitan ang pagbenta ng mga police uniforms at insignia ng PNP para hindi mapasakamay ang mga ito ng mga masasamang loob. “With this incident, I directed already, aside from being a regular activity, ire -reemphasize natin ulit that they will be strict in implementing this provision of the law and also we will be watchful of these stores,” ayon kay Acorda sa press briefing sa Camp Crame.
Aniya, ang dalawang suspects, ay gumamit ng police uniforms para ipakita na sila ay persons of authority. Puwede silang kasuhan ng usurpation of authority at illegal use of uniform at insignia sa ilalim ng Articles 177 and 179 of the Revised Penal Code (RPC). Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
“There are provisions of the law that bans the wearing of PNP and military uniforms. It is a violation of Article 179 of the Revised Penal Code and this will be aggravated lalo na kapag habang nakasuot ang mga ito at ginamit mo sa mga krimen.,” ani Acorda. Ang sino man na lalabag sa batas ay papatawan ng penalty na prison mayor, o pagkakulong ng anim na taon o lampas at maaring mas malala pa kapag ginamit ito sa krimen. Ang sakit sa bangs nito. Abangan!