ISANG babae sa Kampala, Uganda ang nakapagtala ng world record matapos niyang yakapin ang isang puno sa loob ng 16 hours!
Niyakap ng 29 anyos na environmental activist na si Faith Patricia Ariokot ang isang puno sa loob ng 16 na oras at anim na segundo..Dahil dito, siya ang pinakaunang world record holder ng titulong “Longest Time to Hug a Tree”.
Ginawa ito ni Ariokot upang magpalaganap ng awareness na kailangan natin protektahan ang mga puno. Hinihikayat din niya ang lahat na magtanim ng maraming puno sa kapaligiran.
Hindi naging madali para makuha ni Ariokot ang world record na ito. Sa una at pangalawa niyang attempt, nabigo siya dahil nasira ang ginamit niyang camera at hindi narekord ang kanyang record attempt. Bukod dito, hindi maaaring magkaroon ng breaktime si Ariokot at hindi rin siya puwedeng umupo habang niyayakap ang puno.
Matapos matanggap ang certificate mula sa Guinness, nag-aasam si Ariokot na maraming tao siyang ma-inspire na magtanim ng puno.