^

Punto Mo

Maid of Honor (44)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Tatanungin sana ni Honorio si Yana kung bakit nito tinatanong kung totoo na may nagsasayaw nang hubad sa KTV pero biglang lumabas si Bianca at nag-aalala ang boses.

“Honor mainit si Baby. Dalhin natin sa ospital. Baka kung ano ang mangyari!’’

“Sige. Ihanda mo ang mga gamit ni Baby, Yana.’’

“Opo Kuya.”

Ilang minuto ang nakalipas at naihand na ang mga dadalhin.

“Tayo na Bianca. Ikaw na ang bahala rito sa bahay, Yana.’’

“Opo Kuya.’’

Nagpaalala rin si Bianca kay Yana.

“Isara mo lagi ang pinto Yana. Uso raw ang nakawan ngayon kahit sa condo.”

“Opo Ate. Makakauwi ba agad kayo?’’

“Hindi pa tiyak. Kapag sinabi ng doktor na i-confine si Baby e ilang araw sigurado kami. Basta mag-ingat ka rito.’’

“Opo Ate. Tawagan mo ako kung may kailangang dalhin sa ospital.’’

“Sige Yana, aalis na kami.”

Mabilis silang umalis. Nang nasa elevator na, nadama ni Bianca na lalong uminit ang katawan ni Baby.

Naiiyak si Bianca.

“Huwag kang umiyak. Hindi naman yan malubha. Talagang dumadaan sa ganyan ang sanggol,’’ sabi ni Honor.

“E paano kasi, parang nahihirapang huminga si Baby.’’

“Huwag kang matakot.’’

Nakarating sila sa parking.

Mabilis na pinatakbo ni Honor ang kotse patungong ospital.

Si Bianca ay natahimik at pinagmamasdan ang baby.

Makalipas ang 20 minutos, nakarating sila sa ospital at agad dinala ang baby sa doktor nito.

Nakahinga nang maluwag si Bianca nang sabihin ng doktor na karaniwang lagnat lang ang nararanasan ng baby. Kahit sinabi ng doktor na puwede nang iuwi sa bahay ang baby, ipinasya nina Bianca na i-confine ang anak para ganap na maalagaan ng doktor.

(Itutuloy)

vuukle comment

KTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with