Pagpalit ng school calendar, huwag madaliin!—PBEd

MASAKIT sa bangs itong desisyon ng Deparment of Education (DepEd) na ibalik sa lumang school calendar ang pasukan sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Bagamat ito naman daw ay dumaan sa serye ng konsultasyon at sinang-ayunan ng mga magulang gayundin ng mga guro, abayyyy makakapagdulot ito ng kalituhan. Hindi lang ‘yan magdudulot ng pagdeskaril at mababawasan ang araw ng  pag-aaral dahil maagang matatapos ang school year. Ano ba yan?

Sumasadsad na nga ang kalidad ng edukasyon, e magbabawas pa ng araw ng pasukan. Tsk tsk tsk! Sinuportahan pa ng Parents Teachers Association of the Philippines ang tradition o lumang school calender matapos daw maranasan ang hirap ng tag-init at tag-ulan ng binago ang school calendar. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Subalit naniniwala ang Philippine Business for Education (PBEd) na dapat maghinay-hinay ang DepEd sa pagpapatupad ng lumang academic calendar. Mismoooo!

Ayon sa PBEd  dapat isaalang-alang ng DepEd ang pagpapatuloy at ikabubuti ng  learning environment bago magdesisyon na ibalik ang lumang calendar. Idiniin ng  PBEd ang kahalagahan na nakapirmi at hindi pabagu-bago ang schedule ng pag-aaral ng ating kabataan. Gets nyo mga kosa?

“We hope that this recent decision will be firm and consistent among administrations so as to minimize learning disruption,” sabi ng PBEd. ‘Ika nga ng PBEd, ang pagbabalik sa lumang school calendar ay hindi dapat tinitingnan bilang “stop gap measure” upang tugunan ang mga hindi kaaya-ayang problema sa kasalukuyang skedyul. Kailangan mapangalagaan ang mga kabataan at siguraduhin na ang mga silid-aralan sa bansa ay kakayanin ang sobrang init o malakas na ulan, dagdag pa ng PBEd. Hehehe! Dapat ding  siguraduhin mayroon masasakyan ang mga mag-aaral, ayon din sa PBEd.

“We should also ensure the additional number of school days needed to offset the days lost due to national holidays and class suspensions,” sabi pa ng PBEd. Tumpak!! Nararapat rin humanap muna ng altenatibong sistema ng face-to-face classes kung magkakaroon  man ng suspension ng klase bago baguhin ang kalendaryo. “Now na”, sabi nga ng PBEd ang panahon  para -institutionalize ng DepEd ang mga “good practices from remote learning experience, whether through assigned modules, or online or broadcast classes.” HIgit sa lahat, malaki dapat ang pagkikilahok ng mga LGUs sa pagpapatayo ng physical and digital infrastructure upang masigurado ang pagpapatuloy ng pag-aaral..Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi lang ‘yan! Karagdagang isang libong kabataan naman mula sa Eastern Samar at Samar province ang makakapag- training ng libre ngayon taon sa pagpapatuloy ng kanilang “JobsNext” program. Sa pilot test ng programa noong nakaraang taon, mahigit 1,500 kabataan ang nabigyan ng dagdag kaalaman ukol sa artificial intelligence o digitalization at iba pang kasanayan  na makakapagpalawak ng oportunidad na sila ay magkaroon ng trabaho. E di Wow! 

“When we started the ‘JobsNext’ dream, we knew it wouldn’t be easy. This is why we sought to launch the pilot program with our local government partners. Through the combined efforts and collaboration of the public and the private sector, the dream of empowering Filipino youth looking for employment, has come true,” said PBEd Executive Director Justine Raagas.  Abangan!

Show comments