Makatatanggap ba ng retirement benefits ang part-time employee?
Dear Attorney,
Isa po akong part-time employee na malapit nang mag-retirement age. Makaaasa po ba ako sa retirement benefits kahit part-time lang ako? Higit twelve years na rin po akong part-time employee sa kompanya ko ngayon. — Johnnie
Dear Johnnie,
Oo, may karapatan kang makatanggap ng retirement benefits bilang isang part-time na empleyado kung higit sa 10 ang empleyado ng kompanyang pinapasukan mo.
Kung walang retirement plan ang iyong kompanya, kailangan pa rin nilang sumunod sa Republic Act No. 7641 at bigyan ka ng retirement benefits alinsunod sa nasabing batas.
Ayon sa kaso ng De La Salle Araneta University v. Bernardo (G.R. No. 190809, February 13, 2017), may karapatan ang isang part-time employee na makatanggap ng retirement benefits kahit pa sabihin ng employer na hindi saklaw ang mga part-time employees ng kanilang company policy para sa retirement.
Kaya kahit pa sabihin ng iyong kompanya na walang applicable na retirement plan para sa mga katulad mong part-time employee ay kailangan pa rin nilang sumunod sa RA 7641 at bayaran ka ng retirement benefits na katumbas ng kalahating buwang sahod para sa bawat taon ng iyong pagseserbisyo.
- Latest