^

Punto Mo

Lalaki na kayang magpasok nang maraming palito sa butas ng ilong, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Denmark ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record matapos nitong pagkasyahin ang 68 na palito ng posporo sa mga butas ng kanyang ilong!

Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na  Guinness World Records na ang 39 anyos na si Peter von Tangen Buskov ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Matches Held in the Nose”. Ito ay matapos mapagkasya niya ang 68 palito ng posporo sa dalawang butas ng kanyang ilong.

Si Buskov ang pinakaunang nakapagtala ng titulong ito. Ang minimum requirement ng Guinness upang mapasakamay niya ang titulo ay mapagkasya niya ang 45 palito ng posporo.

Ayon kay Buskov, wala siyang naramdamang sakit dahil sa tingin niya ay malaki ang butas ng kanyang ilong.

Si Buskov ay isang teacher sa junior high at naisipan lang niyang gumawa ng Guinness record bilang katuwaan lamang.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with