^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga palayan tuyung-tuyo na, may ginagawa ba ang NIA?

Pang-masa
EDITORYAL - Mga palayan tuyung-tuyo na, may ginagawa ba ang NIA?

NANANALASA na ang El Niño sa bansa. Marami nang lupang sakahan ang natutuyo at hindi na puwedeng pakinabangan ang mga palay. Namamatay na ang palay. Nagkabitak-bitak na ang lupa dahil sa matinding init.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), umabot na sa P151.3 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula. Apektado ang kabuhayan ng 3,923 magsasaka sa mga nasabing lugar. Hindi malaman ng mga magsasaka kung paano malalampasan ang dinulot ng El Niño.

Inireport naman ng Office of Civil Defense (OCD) na walong probinsiya sa Luzon ang nakararanas ng tagtuyot dahil sa kawalan ng ulan. Nagkakabitak-bitak­ na umano ang lupa sa mga palayan. Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, ang mga probinsya na nakararanas ng tagtuyot ay ang Apayao, Bataan, Cagayan, Cavite, Ilocos Norte, Kalinga at Zambales. Pati sa Palawan ay nararamdaman na umano ang bangis ng El Niño.

Habang marami na ang mga palayang natutuyo, patuloy naman ang pagbaba ng water level ng mga dam sa Luzon. Araw-araw ay nababawasan ang tubig sa Angat at Ipo Dams sa Bulacan; Ambuklao at Binga Dams sa Benguet; Pantabangan Dam sa Nueva Ecija; Magat Dam sa Isabela; San Roque Dam sa Pangasinan; La Mesa Dam sa Quezon City at Caliraya Dam sa Laguna.

Noong nakaraang taon, nagbabala ang National Water Resources Board (NWRB) sa mamamayan na magtipid sa paggamit ng tubig dahil sa kakaharaping tagtuyot dulot ng El Niño. Payo ni National NWRB Exe­cutive Director Sevillo David sa mamamayan na huwag mag-aksaya at i-recycle ang tubig. Dapat tumulong ang publiko o consumers sa water management.

Hinikayat naman ng MWSS ang Metro Manila Mayors na magpasa ng ordinance na maghihigpit sa paggamit ng tubig sa golf courses, car wash at swimming pools. Kailangang limitahan ang mga negosyong gumagamit nang maraming tubig.

Habang marami ang gumagawa ng paraan at solus­yon, kataka-taka namang walang nakikitang pagkilos sa National Irrigation Administration (NIA) na dapat manguna sa paghanap ng solusyon kung paano matutubigan ang mga natitigang na palayan.

Ayon sa mga magsasaka, walang irrigation system o anumang patubig na isinagawa ang NIA. Wala ring mga ibinabaon na mga pump o poso ng tubig sa palayan. Nasaan ang budget ng NIA para sa 2024 na nagkakahalaga ng P41.7 billion? Ang malaking budget ng NIA ay nakalaan para sa pagpapagawa, pagsasaayos, pagre-rehabilitate at para sa maintenance ng irrigation system. Subalit nananalasa na ang El Niño, wala pang nakikitang proyekto ang NIA. Kailan sila kikilos? Kapag­ patay na ang damo?

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with