^

Punto Mo

Online live sex raket, tutuldukan ng gobyerno!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Tutuldukan ng mga ahensiya ng gobyerno ang problemang dulot ng online live sex raket na ang madalas mabiktima ay mga mahihirap na kabataang babae. Inamin ni Undersecretary Gilbert Cruz, ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na hindi lang law enforcement ang kasagutan sa problema.

Natuklasan ni Cruz na kaya naengganyo ang mga kabataan, karamihan menor de edad na pasukin ang naturang raket ay bunga sa kahirapan ng buhay. Hamakin mo, konting giling-giling lang sa harap ng kamera ay presto…malaki na ang kikitain ng kabataan, at kadalasan dolyar pa. Hindi lang masustentuhan ng mga kabataang babae ang kapritso nila kundi may pambili pa sila ng pagkain at iba pang pangangailangan ng kanyang pamilya. Mismooooo!

Ayon kay Cruz, natuklasan nila sa lahat ng na-raid nilang online live sex na ang mga biktima ay mga mahihirap, at kulang sa pag-aaral. Kalimitan, may go signal pa ng mga magulang ang ginagawa ng mga anak, dahil para sa kanila trabaho lang ito. Eh di wow!

Nagugulat pa ang mga magulang na ni-raid sila ng PAOCC, kasama ang iba pang operating units ng gobyerno, eh sa tingin nila legal ang lakad ng mga anak nila. Dipugaaaaa!. Sobrang gulat pa nila kapag kasama silang kinakasuhan ng PAOCC.  Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Matapos ma-realize ang problema, nakipag-coordinate si Cruz sa DepEd, TESDA at DSWD para lutasin ang problemang dulot ng online live sex raket. Aniya, may poverty matrix naman ang gobyerno kaya’t dun sila mag-concentrate ng kanilang programa.

“Kalimitan sa mga biktima ay hindi nakapag-aral, at dahil sa kahirapan pinasok nila ang naturang raket para mabuhay,” ayon kay Cruz. “Kahit huli tayo ng huli ng mga nasa likod ng raket ay babalik at babalik pa din ang mga ‘yan bunga sa kawalan ng pantustos sa kanilang pang-araw-araw na gastusin,” ang giit pa n’ya. Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito, di ba mga kosa? Ano pa nga ba?

Sinabi pa ni Cruz na ang role ng DepEd ay tuturuan ang kabataan tungkol sa kasamaang dulot ng online live sex at ang nilabag nitong batas na maging dahilan para sila magdusa sa kulungan.

Ang TESDA naman ang magsasanay sa mga biktima ng kung anu-anong klaseng trabaho para magkaroon sila ng legal na pagkakitaan, samantalang ang DSWD ang magbibigay ng ayuda para hindi na sila ma-recruit ng mga mapagsamantalang kakilala. Hayan, kumpleto rekado na ang solution ng PAOCC sa problema, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Habang pinaplantsa ni Cruz ang kalutasan sa problema, sinalakay ng PAOCC at ng mga tauhan ni Brig. Gen. Portia Manalad, ng Women ang Children Protection Center ng PNP, ang online live sex sa Wingo Subd., Bgy. Sta. Maria, Zamboanga City at inaresto si Allan Joseph Ramirez.

Isang kabataang babae ang na-rescue ng mga raiders. Nakumpiska ang mga kagamitan tulad ng IPhone, sound card equalizer, zooming camera, lens charger, remittance receipt, at ID ng City Hall. Teka nga pala! Ayon kay Cruz, ang mga raiders ay nakasuot ng body worn camera. Ayossssss! Hehehe! Walang sablay t’yak! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang raiders ay armado ng search, seize at examine computer data warrant na inisyu ni Judge Gregorio dela Peña ng Branch 12, RTC ng Zamboanga City. Magiging busy pa sa susunod na mga araw ang tropa ni Cruz. Abangan!

ANTI-ORGANIZED CRIME COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with