^

Punto Mo

Eiffel Tower sculpture na gawa sa palito ng posporo, muntik nang ma-reject ng Guinness World Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Eiffel Tower sculpture na walong taon na binuo ang muntik nang hindi kilalanin ng Guinness World Records!

Noong 2016, sinimulan ni Richard Plaud na magbuo ng Eiffel Tower sculpture na gawa sa posporo para isali ito sa Guinness World Records sa kategoryang “Tallest Matchstick Sculpture”.

Matapos ang walong taon, natapos niya itong buuin gamit ang 706,900 palito ng posporo at 22 kilos ng glue. Umabot ang kanyang sculpture sa taas na 23.6 feet at nahigitan nito ang current record holder na 21.4 feet.

Ngunit matapos mag-submit ng application sa Guinness, nakatanggap siya ng masamang balita mula sa records keeping organization na nagsasabing disqualified ang kanyang sculpture dahil may nilabag siyang patakaran.

Ayon sa Guinness, ang posporo na maaari lamang gamitin sa sculpture ay dapat “store-bought” o binili dapat sa isang commercial establishment. Hindi maaaring gumamit ng posporo na pinasadya o customized.

Natuklasan kasi ng Guinness na ang ginamit na posporo ni Plaud ay pina-customize niya sa isang matchstick company.

Paliwanag ni Plaud, nagpasadya siya ng posporo na wala nang ulo. Sa dami kasi ng kailangan niyang posporo para sa sculpture, nakakatagal sa kanyang trabaho kung siya pa ang magtatanggal ng mga ulo nito.

Ngunit isang araw matapos matanggap ang disqualification, nagbago ng desisyon ang Guinness at tinanghal na ang kanyang sculpture bilang “Tallest Matchstick Sculpture”.

Ayon sa director of central records services at Guinness World Records na si Mark Mckinley, na-realize nilang masyadong harsh ang kanilang pag-reject sa gawa ni Plaud. Bukod sa rules, mas kinikilala nila ang effort at oras na inilaan ni Plaud sa kanyang sculpture.

GUINNESS WORLD RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with