Signs na matured ka na

• Marami ka sanang gustong sabihin pero pinili mong manahimik kung nahalata mong toxic ang kausap mo.

• Naniniwala kang ang pamilya ang pinaimportanteng mga tao sa buong mundo.

• Kapag alam mong wala ka nang magagawa sa isang sitwasyon, tinatanggap mo na lang ito at ipinagpapasa-Diyos  na lang ito.

• Kaysa piliting baguhin ang inuugali ng ibang tao sa iyo, mas nagpokus ka na baguhin ang iyong reaksyon sa pinaggagawa niya sa iyo.

• Pinatawad mo na ang iyong mga magulang.

• Hindi ka na naaasar sa mga kaibigang tamad at walang ambisyon sa buhay. Nagiging katwiran mo: “Bahala na kayo sa buhay n’yo, matatanda na kayo”.

• Hindi ka na mahilig makipagdebate. Naisip mong hindi dapat ipilit ang iyong paniniwala sa utak ng ibang tao.

• May kontrol ka na sa iyong emosyon. Maayos ka nang makiharap sa mga taong kaaway o kinaiinisan mo. Hindi ‘yun kaplastikan kundi nagiging edukada ka lang.

• Kahit alam mong hindi nagsasabi ng totoo ang kausap mo, hindi mo siya binabara at hinahayaan mo lang magkuwento ng kanyang pantasya.

• Mas gusto mong ilihim ang mga bagay tungkol sa iyong buhay. Kung wala silang alam, wala silang maisisira sa iyo.

• Sinasabi mo kung wala kang kaalaman tungkol sa isang bagay. At willing kang matutuhan ang mga ito.

• Sa halip na hintayin ang “right time”, umaaksiyon ka na agad sa iyong mga pinaplano sa buhay.

• Mas mahalaga sa iyo ang mental health kaysa magulo at toxic relationship.

Show comments