^

Punto Mo

Sleep facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

•Ang pagtulog sa ibang bedroom na hindi kasama ang asawa ay mas nakapagpapahimbing ng tulog.

• Ang pagtulog ng mas mababa sa 6 na oras per night ay nagpapataas ng tsansang magkaroon ng Alzheimer’s at makaranas ng atake sa puso.

• Mas mabilis makatulog kung magsusuot ng medyas sa gabi bago tumulog.

• Nakakahimbing ng tulog kung magsusuot ng eye mask.

• Ang ideal na haba ng pag-idlip sa hapon ay 20 to 30 minute lang. Kung hihigit pa doon, mahihirapan ka nang makatulog sa gabi.

• Nakakatulong ang pagkain ng almonds para makatulog nang mahimbing dahil taglay nito ang melatonin at magnesium na may malaking role sa pagkakaroon ng good night sleep.

• Eye twitching o boluntaryong pagkirat ng mata ay iniuugnay sa kakulangan sa pagtulog.

• Nagiging mababaw lang ang tulog kung kakain ng hapunan isang oras bago matulog.

• Mabilis antukin kung magwa-warm shower ilang oras bago matulog.

• Mas mabuti raw ang 7 oras na tulog kaysa 8 oras.

• Kung wala pang 5 minutong nakahiga ay tulog ka na, palatandaan ito na ikaw ay madalas na kulang sa tulog.

• Pinapayagan sa Japan ang “sleeping on the job” dahil palatandaan daw ito na overworked ang empleyado at pinagbibigyan silang magpahinga kahit sandali.

• Noong nagkaroon ng color television, 75 percent ng mga tao ay nananaginip ng may kulay. Mga 15 percent lang ang nanaginip nang may kulay noong black and white pa lang ang mga telebisyon.

PAGTULOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with