^

Punto Mo

EDITORYAL - Ganid na traders ng sibuyas, buhay pa

Pang-masa
EDITORYAL - Ganid na traders ng sibuyas, buhay pa

DISYEMBRE 2022 nang magmahal ang sibuyas—P700 bawat kilo. Bukod sa mahal, wala pang mabili. Iyon ang unang pagkakataon na naranasan sa bansa ang sobrang mahal na sibuyas. Nagkaroon ng krisis sa sibuyas.

Ayon sa mga magsasaka ng sibuyas, hindi naman dapat lumobo ng ganun ang presyo sapagkat wala namang kakapusan sa sibuyas sa bansa. Ayon pa sa mga magsasaka sagana sa sibuyas at ang kailangan lamang ay mga storages facilities para hindi mabulok ang mga ito.

Nagkaroon ng imbestigasyon ang House of Representatives at Senado ukol sa “sibuyas crisis”. Nakilala ang mga traders na nagho-hoard at nagmamanipula sa presyo ng sibuyas.

Sa kabila ng mga imbestigasyon ng Senado at Kongreso, walang nakasuhan sa mga ganid na traders ng sibuyas. Pawang pag-iimbestiga lamang ang nangyari kaya ang labis na apektado ay ang mga magsasaka. Hindi na mabili ang lokal na aning sibuyas dahil sa kagagawan ng ganid na traders.

Sabi ni Jayson Cainglet, director ng Samahang Industriya ng Agrikultura, ang mga inimbestigahan ng Senado at Kongreso noon ay sila rin ang nasa likod ng mga nangyayaring krisis ngayon sa sibuyas. Sila pa rin nagmamanipula ng presyo at nagho-hoard ng sibuyas. Walang pinagbago sa nangyayari at mas lumulubha pa ang krisis sa sibuyas.

Nagpapatuloy din umano ang smuggling ng agri products at kabilang dito ang sibuyas. Isa ang smuggling kaya tumataas ang presyo ng sibuyas. Dumadagsa ang smuggled na sibuyas mula sa China at saka iho-hoard ng mga tusong negosyante.

Kapag wala nang sibuyas sa mercado saka ilalabas ang mga nakaimbak. Mataas na ang presyo ng mga ito at walang magawa ang mamamayan kundi bumili ng gintong sibuyas.

Tinukoy ng Senado noon ang isang nagngangalang Luz or Leah Cruz na tinaguriang “Sibuyas Queen”. Bukod kay Sibuyas Queen, marami pang traders ang pinangalanan na nasa likod ng pagho-hoard at pagmamanipula. Nasaan na ang mga taong ito? Bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin sila sa masamang ginagawa?

Noong Hulyo 2023, sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. hahabulin ang smugglers at hoarders ng agri products. Hindi umano makakalusot ang mga nagpapahirap sa bayan at mamamayan. Pero hanggang ngayon, wala pang nakakasuhan. Ni isa man ay walang nasasampolan sa mga gahamang traders ng sibuyas?

ONION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with