^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy ang ‘pastillas scam’

Pang-masa
EDITORYAL - Patuloy ang ‘pastillas scam’

Kung inaakala nang mamamayan na natigil na ang ‘‘pastillas scam’’ na unang sinimulan ng mga korap na immigration officials, nagkakamali sila. Patuloy pa rin ang pastillas at dahil dito maraming dayuhan na may problema sa travel documents ang nakapapasok sa bansa kapalit ay ang pera na tinutupi na hawig sa pastillas.

Sa pinakabagong kontrobersiya, apat na immigration lawyers na sangkot sa pag-aapruba ng working visas ng mga dayuhan. Sinibak na ang apat at binuwag na rin ang tanggapan ng mga ito sa immigration. Hindi lamang malinaw kung kakasuhan pa ang mga ito o sinibak na lang. Kung sinibak, abot hanggang taynga ang ngiti ng mga ito sapagkat marami na silang napakinabang sa immigration. Matagal na umanong nangyayari ang ‘‘pastillas scam’’ na aktibidad ng apat na abogado na pag-aapruba ng working visas sa mga pekeng kompanya.

Ang pag-aapruba sa visas ng mga dayuhan ay labis na ikinaligalig ni Sen. Risa Hontiveros sapagkat banta ito sa seguridad ng bansa. Maaaring ang mga nakapasok na dayuhan ay miyembro ng sindikato at mga kriminal. Sabi pa ng senadora, karamihan sa mga nabigyan ng pekeng visas ay mga nagtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs). Sinabi pa ni Hontiveros na ang pag-aapruba ng immigration lawyers sa working visas ay walang ipinagkaiba sa ‘‘pastillas’’ scam na ibinulgar niya noong 2021.

Dahil sa pagkakabulgar ng pastillas scam, 45 immigratioin officials ang nasibak sa puwesto. Sa imbestigasyon ng komite ni Hontiveros, P40 bilyon ang naibubulsa ng mga corrupt Immigration officials dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy na ipinatutupad sa mga dayuhang pumapasok sa bansa partikular ang mga Chinese. Lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng visa upon arrival (VUA) system ay magbabayad ng P10,000 sa Immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa. Tinawag na “pastillas” ang modus dahil ang perang ipinangsusuhol sa BI officials ay binibilot na hawig sa “pastillas. Wasak na wasak ang imahe ng Immigration dahil sa pastillas.

Noong Hunyo 2021, lalo pang nalubog sa kumunoy ang imahe ng Bureau of Immigration nang ma-convict ng Sandiganbayan ang dalawang senior officials nito. Pinatawan ng reclusion perpetua (40 taon na pagkakulong) sina dating Deputy Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles at isang dating pulis. Napatunayan na nagkasala ng plunder at graft ang dalawang opisyales dahil sa pag-extort ng P50 million kay Chinese gaming tycoon na si Jack Lam noong 2016.

Sa kabila ng mga nabulgar na katiwalian sa Immigration, patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang mga buktot na gawain ng nabanggit na tanggapan. Walang pagbabago sa immigration.

PASTILLAS

SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with