^

Punto Mo

Hindi lang Microsoft ang merong ‘Office’

PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Ilang dekada nang nangingibabaw sa mundo  kahit dito sa Pilipinas ang kilalang computer software na Microsoft Office o MS Office.  Batid ng lahat na ito iyong program  sa computer na karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga teksto, report, thesis, chart,  dissertations,  theme paper, research paper, journal, spreadsheet,  presentations, proposals, sulat, resume o CV,  pampanitikang mga akda,  memos, agendas, invoices, statements, testamento, declarations, desisyon o resolusyon, script, signs, poster, assignment sa eskuwelahan at iba pang klase ng mga dokumento sa tulong ng computer, laptop, smartphone, tablet o iPad at ibang mga gadget.

Nagkaroon din ito ng maraming bersiyon sa pagdaan ng mahabang panahon kasabay halos ng pagsulpot ng mga makabagong computer.  Nalaos at nawala sa sirkulasyon ang MS Office 95, 98 at 2000 habang  kadalasang ginagamit sa kasalukuyan ang Office 2010, 2016, 2019,  365 o 2021. Paganda naman ito nang paganda kapag merong lumalabas na bagong bersiyon ng MS Office.

Wala namang monopolyo rito ang Microsoft dahil maraming mga katunggali nito  ang nagsusulputan tulad ng  LibreOffice, WPS Office, Polaris Office, Free Office, Google Workspace, at Open Office.  Wala nga lamang lantad na datos kung alin sa mga alternatibong “Office” na ito ang pinakamalakas o mahinang kakumpetensiya ng MS Office bagaman may mga Pilipino na ring gumagamit ng ibang mga produktong “Office”.

Sino man ay maaari namang mag-“install” at gumamit ng alin man sa mga alternatibong ito sa anumang computer kahit meron nang nakakabit  na MS Office dito. Hindi nga lang laging maaasahan na makikita sa ibang mga “Office” na ito  ang mga feature na ginagamit sa MS Office at abala rin at nakakalito minsan na kailangan mo pang pumili kung saang “Office” mo bubuksan ang isang dokumento.

Meron ding mga dokumento na gawa sa ibang “Office” na hindi mabubuksan sa MS Office.  Kaya nga ang paggamit ng ibang “Office” ay dapat ding ibinabatay sa pangangailangan at paggagamitan nito lalo na kung matagal ka nang nasanay sa MS Office.

May mga alternatibong “Office” din na madaling ikabit sa isang computer nang hindi na naghahanap ng “serial key” pero meron silang mga “feature” na hindi magagamit kung hindi mag-“a”-‘upgrade’ sa mas mataas nitong version o, kung makapag-“install” ka nito nang libre sa computer, “trial” lang ito na limitado sa ilang linggo o buwan na kapag dumating ang takdang oras ay napapaso na maliban na lang kung magbabayad ka para sa upgraded version nito.

Nagkalat din sa internet ang mga driver o installer ng iba’t-ibang “Office” pero dapat maging alerto, maingat at maalam at magsaliksik muna hingil  sa pag-‘download’ ng mga ito dahil baka makatiyempo ka ng nito na magpapasok ng virus sa iyong computer.

Kakatwa nga rin na, sa mga nabibili ngayong mga bagong desktop computer o laptop, kadalasang meron nang  nakalagay dito na Microsoft Office na tila hindi problema sa nagtitinda at bumibili dahil hindi na itinatanong ng una kung gusto ba ng huli ang MS Office o ibang klase ng “Office.”  Maaaring hindi ito isyu sa mga ibinebentang computer na wala pang nakakabit na “Office” na ipinapaubaya na lang sa kustomer ang desisyon kung anong produkto ang gusto niyang gamitin.

Ang siste, meron bang kamalayan iyong kustomer na bukod sa MS Office ay meron pa palang  ibang klase ng “Office” lalo na kung matagal na niyang nakasanayan halimbawa ang Microsoft Word? Maaari rin itong kuwestyon sa pagpapagawa ng sirang  computer lalo na iyong nire-reformat na karaniwang itinatanong lang ng technician o iyong kustomer ang magsasabi kung anong bersiyon ng Microsoft Office ang ilalagay sa computer. Hindi na pinag-uusapan kung meron pang ibang “Office bukod sa Microsoft!”

-oooooo-

Email: [email protected]

OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with