Sikat na ramen shop at pizza restaurant sa Japan, nagsanib puwersa para gumawa ng ramen pizza!
NAGSANIB PUWERSA ang isang international pizza chain at sikat na ramen shop sa Japan upang makagawa ng kakaibang pizza ngayong 2024, ang ramen pizza!
Ang kakaibang pizza ay pinangalanang “Kotteri-fuu Ramen Pizza”. Ang salitang “Kotteri-fuu” ay salitang Japanese na ang ibig sabihin ay “thick style”. Ito rin ang tawag sa sabaw ng ramen na sini-serve sa Tenkaippin, ang tinaguriang No. 1 ramen shop sa buong Japan.
Ayon sa spokesperson ng Tenkaippin, naisip nilang makipag-collaborate sa international pizza chain upang ipakita na bagay din gawing toppings sa pizza ang kanilang sikat na ramen.
Makikita sa mga promotional photos ng naturang ramen pizza na ang mga toppings nito ay pritong ramen noodles, green onions, pork chashu, at imbis na gawa sa tomato ang pizza sauce nito, ang ginamit ay sauce mula sa pinalapot na sabaw ng ramen.
Dagdag na pahayag ng spokesperson ng Tenkaippin, isang taon bago na-finalize ang sauce ng ramen pizza dahil pinag-aralan nilang mabuti kung paano ito mapalapot habang mapapanatili ang original nitong lasa.
Nagkakahalaga ng 1,980 Yen (katumbas ng P753) ang isang ramen pizza at maaaring mabili lamang ito sa Japan.
- Latest