^

Punto Mo

Business owner, nagulat nang biglang may naganap na kasalan sa kanyang coffee shop!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bagong kasal sa Indiana, U.S.A. ang binabatikos ngayon ng netizens dahil sa kanilang wedding ceremony na idinaos sa isang coffee shop nang hindi nagpapa-reserve!

Nagpakasal ang magkasintahang si Aishat Bolompe at Opeyemi Akammi noong Disyembre 31, 2023 sa Mansion Society, isang coffee shop sa Indianapolis.

Ngunit imbis na salubu­ngin nina Bolompe at Akammi ang bagong taon bilang masayang newlywed couple, hinarap nila ang 2024 na puro pambabatikos at pamba-bash sa social media.

Ayon sa Instagram post ng Mansion Society, nagulat na lang ang may-ari at mga staff nito nang may nagdatingan na grupo ng mahigit 30 katao na nakapang-wedding attire. Hindi nila muna ito inintindi dahil inisip nilang baka mga guest ito sa kabilang establishment na isang totoong wedding venue at gusto lamang nilang magkape.

Nang dumating ang bride at groom kasama ang wedding officiator, doon na nila nalaman na sa coffee shop nila gaganapin ang kasal. Wala nang nagawa ang mga staff at may-ari dahil ang daming wedding guests at hindi nila kayang ma-control ang mga ito.

Ilan din sa mga suki nilang customers ang hindi na nakapasok sa coffee shop dahil sa dami ng tao. Vinideohan ang buong pangyayari at naging viral online.

Ngayon ay sinisingil ng may-ari ng Mansion Society sina Bolompe at Akammi ng $725 bilang kabayaran sa mga nawala nilang customers nang araw na iyon.

Sa kasalakuyan, hinihintay pa kung magbabayad ang bagong kasal o hahantong ang dispute sa demandahan.

WEDDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with