- Iwasang mag-overshare sa social media. Malaking bagay ang pagkakaroon ng “privacy”. Mahihirapan kang siraan ng mga tao kung wala silang alam tungkol sa iyo.
- Kapag nag-focus ka sa problema, lalo itong dadami. Ngunit kapag nag-focus ka sa solusyon, maraming oportunidad ang iyong makikita.
- Kung sino ang naghahatid ng tsismis sa iyo, ang siya namang magtsitsismis ng buhay mo sa ibang tao.
- Mas mareklamo ka, mas lalong dumadalas ang dating ng mga bagay na karekla-reklamo sa buhay mo.
- Kahit gaano ka man kabait, mag-set ka ng boundaries sa ibang tao. Marami pa rin ang mapagsamantala.
- Sumama sa mga mabubuting kaibigan. Ang ating kinabukasan ay nakasalalay sa mga taong lagi nating kasama sa tuwina.
- Huwag hintayin ang perfect moment. Walang ganun. Ang “ideal time” ay “ngayon”.
- Kung nakakilala ka ng mga taong mas magaling sa iyo, iwasang makipagkumpetensiya sa kanila, sa halip, work with them.
- Dalawa lang ang dapat pagpilian: May supportive partner ka o walang partner. There is no third option.
- Ang pinakamagandang paghihiganti ay naroon ka na sa sitwasyong masaya ka na sa kinalalagyan mo at hindi ka na interesadong maghiganti.
- Hindi lahat ng tao ay kagaya mong mag-isip. Ito ang tandaan kapag may nakaharap kang tao na mahilig makipagdebate tungkol sa relihiyon. Nag-uumpisa pa lang siya ng “speech”, tapusin mo ang conversation. Mabigat ‘yan sa mental health. May ugali silang hindi magpapatalo kahit sa kahuli-hulihang talsik ng laway nila.
Show comments