^

Punto Mo

EDITORYAL - Masamang kahihinatnan ng Senior High School

Pang-masa
EDITORYAL - Masamang kahihinatnan ng Senior High School

URA-URADA ang desisyon ng Commission on Higher Education (CHEd) at Department of Education (DepEd) na huwag ipagpatuloy ang Senior High School Programs sa mga state universities and colleges sa school year 2024-2025. Naging mabilis ang pagpapasya sa isyung ito. Dapat kinunsulta muna ang nakararami lalo ang mga magulang at estudyante.

Sa pabigla-biglang desisyon, walang ibang apektado kundi ang mga estudyante na rin. Ano ang kahahantungan ng mga Grade 11 students kung hindi na sila papayagan sa state and local universities and colleges. Saan sila pupulutin? Ngayon pang problema ang kakapusan ng classrooms sa mga pampublikong eskuwelahan. Kung sa pribadong school, tiyak na malaking pasanin dahil mahal ang tuition fees.

Sinabi naman ng DepEd na ang mga maaapektuhang Grade 11 students ay maaaring mag-enrol sa public schools at ang iba ay sa pribadong eskuwelahan. Maaari naman daw i-avail ang voucher program. Ayon sa pagtataya ng DepEd, mayroong 17,700 Grade 11 students para sa school year 2024-2025.

Binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang CHEd at DepEd sa isyu dahil magkakaroon ito ng domino effect. Maaaring maapektuhan ang edukasyon ng mga kabataan. Isinabay pa ito sa maraming problema ng DepEd gaya ng kakulangan sa classrooms at mga guro mismo. Dapat daw bawiin ng CHEd at DepEd ang naunang pasya sa di-pagpapatuloy ng Senior High sa mga unibersidad at kolehiyo ng estado.

Malaking problema ang kahaharapin ng mga estudyante at magulang sa desisyong ito na hindi na tatanggapin sa mga kolehiyo at unibersidad ng estado ang senior high school. Bukod sa gagapang sa hirap ang mga magulang, posibleng maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante na magiging dahilan para sila tumigil sa pag-aaral. Tatamarin na silang mag-aral lalo pa nga’t kakapusin sa budget ang kanilang mga magulang. Kaysa mabaon sa utang at magutom, titigil na lang at tutulungan ang mga magulang sa pagtatrabaho.

Kung ganito ang kahihinatnan ng Senior High, mabuti pang ibasura na lang ang K-12 program na inilunsad noong 2013. Kung ang mismong CHEd at DepEd ay wala nang paki sa programa, ano pa ang dahilan para ito ipagpatuloy. Ibalik na lang sa dating sistema ang pag-aaral mula kinder hanggang Grade 6. Mas orga­nisado ito.

Ang K-12 program ay inumpisahan noong 2013 sa ilalim ng Republic Act 10533 o “Enhanced Basic Education Act of 2013”. Sa loob ng 10 taon mula nang ipatupad ang batas, walang nakitang pagbabago sa sistema ng edukasyon. Lalo pang nangulelat ang mga estudyante, partikular sa Science, Math at Reading Comprehension.

vuukle comment

SENIOR HIGH SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with