Sunshine at Cesar, pwede na ulit magkatrabaho

Who would ever think na magiging magkaibigang muli ang dating mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano?

Dahil sa magandang pagkakaibigan ngayon ng dating mag-asawang Sunshine at Cesar at bagong partner nitong si Kath Angeles, nagawa nang bumisita ng singer, actor-director na si Cesar sa bahay ni Sunshine kasama ang kanilang tatlong anak. Dinalhan pa ni Cesar si Sunshine at mga anak ng sarili niyang painting.

Kaya hindi imposibleng magsamang muli ang dalawa sa isang TV or movie project.

Mag-amang Freddie at Maegan, ‘di na nagsumbatan

Alam mo, Salve A., isa kami sa natutuwa sa ginawang pagbabago ng singer-songwriter at musician daughter ng music icon na si Freddie Aguilar na si Maegan Aguilar na iniwan na ang masasamang nangyari sa kanyang buhay nung 2023 at humaharap siya ngayon sa Bagong Taon ng maraming changes sa kanyang buhay at career.

Magandang balita ang muli nilang pagkakasundo ng kanyang amang si Freddie at muling nabuo ang kanilang pagmamahalan bilang mag-ama na walang nangyaring sumbatan at paliwanagan.

Malalakas sa MMFF, maiiwan sa sinehan

Last day na sa darating na Linggo, Jan. 7, ang 49th Metro Manila Film Festival pero magpapatuloy sa mga sinehan ang malalakas na pelikula na kinabibilangan ng Rewind, Mallari, GomBurZa, Firefly at Family of Two pero pwede ring bawasan ng sinehan to give way sa mga bagong pelikulang nakatakdang magsimula sa Jan. 8, 2024 at kasama na rito ang unang tambalan nina Kim Molina at Empoy Marquez at bagong foreign films.

Natitiyak naming masaya ang mga nasa likod ng MMFF dahil malaking ‘di hamak ang kita ng 2023 MMFF kumpara sa nakaraang taon na mahigit P500 milyon lang.

Although wala pa kaming figures na nakukuha, walang question na ang reunion movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nasa number one position na sinusundan ng Mallari ni Piolo Pascual, pumapangatlo ang historical movie na GomBurZa, pang-apat ang Firefly at pumapanglima ang Family of Two (A Mother and Son Story) na pinagtambalan nina Sharon Cuneta at Alden Richards. Labu-labo naman sa Nos. 6 to 10 ang When I Met You In Tokyo, Penduko, K(ampon), Becky and Badette and Broken Hearts Trip.

Masaya naman ang GMA Pictures at GMA Public Affairs sa naging performance sa takilya ng Firely na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Euwenn Mikaell na pinamahalaan ni Zig Dulay.

Samantala, i-maintain na kaya ng MMFF Selection Committee ang sampung entries tulad nitong 2023 o ibabalik nila sa nakasanayang walong pelikula lamang?

Aabangan ngayon ng ating mga kababayan sa East Coast ang pagpapalabas doon ng sampung entry sa kauna-unahang Manila International Film Festival na tatakbo simula sa Jan. 29, 2024 hanggang Feb. 2, 2024 sa TCL Chinese Theatres at Directors Guild of America in Los Angeles, California, USA.

Show comments