^

Punto Mo

Liezel, pinagdiinang ‘di naging kabit!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Liezel, pinagdiinang �di naging kabit!           
Liezel

Biggest break ni Liezel Lopez ang Asawa Ng Asawa Ko dahil iikot sa love triangle nila nina Rayver Cruz at Jasmine Curtis-Smith ang kuwento.

Happy si Liezel sa pagganap bilang kontrabida tulad sa ginawa niya sa Return To Paradise, Babawiin Ko Ang Lahat at Voltes V: Legacy. Pero sa bagong teleserye, ibang klaseng kontrabida siya dahil pinaglalaban niya ang isang lalaki na hindi naman niya inagaw.

Tungkol sa agawan issue, ‘di pa rin daw tinatantanan ang Sparkle actress sa issue nila noon ni Kristoffer Martin. Kasal na ngayon ang aktor sa girlfriend nitong si AC Banzon at meron na silang anak.

Defense ni Liezel, nung naging sila ni Kristoffer noong 2021 ay hiwalay na ito kay AC. ‘Di raw siya naging other woman sa relasyon na iyon. Ilang buwan lang daw ang inabot ng relasyon nila.

Naging issue rin kay Derrick Monasterio ang sexual orientation nito. Tulad kay Alden Richards, may mga nagdududa kasi sa kanyang kasarian.

Sa tanong kung gay ba siya, sinagot ito ni Derrick na “no.” Ayon sa bida ng Makiling, hindi naman siya apektado sa mga nagdududa sa kanya.

“Mas bothered ako sa fact na bakit ginagamit nila na pang-asar ‘yung pagiging bakla, eh wala naman masama du’n. Siguro, kailangan mas maging open-minded na ang mga tao ngayon na hindi masama... hindi okay ‘pag gagamitin mong pang-asar ‘yung pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging pangit. Kasi there’s no such things eh, illusion lang ‘yun ng mga tao,” diin pa ni Derrick.

Natatawa naman na ikinuwento ni Elle Villanueva kung papaano niya nagamit ang gay rumors ni Derrick para mapanatag ang loob ng kanyang ina kapag kasama niya ang aktor.

“Para payagan ako na kasama si Derrick, sinabi ko kay mommy ‘Mommy bakla siya. You don’t have to worry.’ Pero ngayon alam na po niya. So nagulat na lang po siya,” tawa pa ni Elle.

Taylor Swift, nalampasan na si Elvis Presley!

Tuluy-tuloy ang pagtanggap ng achievements ni Taylor Swift ngayong 2024 matapos niyang malampasan ang King of Rock Elvis Presley bilang solo artist na may pinakamaraming weeks na nag-number one sa Billboard 200 Chart.

Nagtala ng 68 weeks si Taylor sa number one para sa siyam niyang albums at apat na re-recorded albums.

Nalampasan na ni Taylor ang record ni Elvis Presley na 67 weeks na nag-number one noon sa Billboard 200.

Bukod sa career, panalo rin siya sa lovelife dahil kay Travis Kelce. On Jan. 7, hindi nakakasama ni Taylor si Travis sa red carpet ng Golden Globe Awards dahil may game ito sa SoFi Stadium sa araw na iyon.

vuukle comment

LIEZEL LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with