How to live your best life (Last part)
• Huwag mag-major ng minor things. Ibig sabihin magpakadalubhasa sa malalaking gawain at huwag sa maliliit na bagay.
• Huwag mong hayaang makita ka ng ibang tao na lasing at pasuring-suring na naglalakad sa kalye.
• Huwag gumamit ng profile picture sa social media na naka-sando or/hubad sa itaas, nakikipag-inuman sa kalye habang may nakasupalpal na sigarilyo. Yes, kahit man lang sa profile picture ay panatilihin mo ang iyong dignidad.
• Keep secrets.
• Laging ipraktis ang pagiging mapagkumbaba, lalo na sa panahong nahuli ka sa traffic violation. Mas mabilis pakiusapan ang mga traffic enforcers kung magalang at mapagkumbabang magsalita.
• Huwag kalimutan ang anniversary.
• Iwasang magbigay ng sarcastic remarks. Iyan ang pinagmumulan ng away.
• Umatend ng class reunion.
• Ang ipahiram mo lang ay ang mga librong wala kang paki kahit hindi isauli.
• Ang ipautang mong pera ay ang halaga na kahit hindi ka bayaran ay katanggap-tanggap sa iyong kalooban.
• Irespeto ang “privacy” ng mga anak. Kung ayaw kang i-add sa Facebook, hayaan na lang.
- Latest