^

Punto Mo

‘No registration, no travel’ campaign, mahigpitan na

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malamang marami sa ating mga kababayan ang hindi pa nakakarekober sa mahabang pagdiriwang at mga bakasyon.

Walang inaasahang panibagong holiday sa araw na ito, kaya balikan na ang marami na sasabak sa mga dating naging gawi ang paghahanapbuhay at pag-aaral.

Kamusta na kaya ang naging pagsalubong ng ating mga kababayan sa panibagong taon na 2024.

Marami ang kahaharapin sa  taon ito na dapat maging may pag-asa at laging positibo. Happy New Year uli sa ating lahat.

• • • • • •

Eto at raratsada at magiging puspusan na ang kampanya ng Land Transporation Office (LTO) kaugnay sa ‘no registration, no travel campaign’ sa buong bansa.

Ito marahil ay matapos na mapagbigyan sa nakaraang holiday season ang mga pasaway pang motorista na patuloy na bumibiyahe kahit na hindi rehistrado ang mga sasakyan.

Paalala nga ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II sa mga motorista na sumunod sa mahigpit na implementasyon ng nasabing muling binuhay na polisiya.

Ang sinumang mahuhuling lumalabag sa polisiya ay papatawan ng kaukulang kaparusahan tulad ng P10,000 multa kapag nahuli ng mga LTO enforcers

Kung noong nakaraang buwan, puro babala ang ginawa ng LTO sa mga pasaway sa vehicle registration, ngayon ratsada na ang gagawing operasyon kaugnay nito.

Mas agresibo, ayon pa sa LTO ang magaganap na operasyon ukol dito.

Sa tala ng LTO, nasa 24.7 milyon ang mga pasaway na driver sa buong bansa na kumakatawan sa kabuuang 65 % ng lahat ng mga motor vehicles sa bansa.

Dito magkakaalam kung sino ang mananaig, ang mga pasaway na patuloy na nagmamatigas na hindi iparehistro ang kanilang sasakyan o kaya ay ang pagkakaroon ng ngipin ng batas laban sa mga ito.

LAND TRANSPORATION OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with