• Haba ng daliri. Kung ang hintuturo ay mas maikli sa palasinsingan, mas doble ang tsansang magkaroon ng osteoarthritis pagtanda ayon sa isang artikulo na lumabas sa 2008 Journal of Arthritis and Rheumatism.
• Height. Ang babaeng may height na 5’2 pataas ay wala nang tsansang makaabot ng kanyang 100th birthday dahil wala silang “gene mutation” na dahilan ng mahabang buhay. Ito ang lumabas sa pag-aaral na ginawa ng Proceedings of the National Academy of Sciences.
• Ayon sa British researchers, ang babaing may 20 to 29 inches na haba ng legs ay mas prone na kapitan ng sakit sa atay. Ito ay dahil nagtataglay sila ng mataas na level ng enzyme na nagiging sanhi ng sakit sa atay.
• Ang matatandang hindi na makilala ang amoy ng saging, lemon at cinnamon ay mas malaki ang tsansang magkaroon ng Parkinson’s disease. Ito ang lumabas sa pagsasaliksik na ginawa ng Annals of Neurology noong 2008.
• Doble ang tsansang magkaroon ng Alzheimer’s disease kung ang babae ay maikli ang braso. Maikli ang braso kung ang sukat nito mula kilikili hanggang middle finger tip ay mas mababa pa sa 60 inches. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Tuff University researchers, kakulangan sa sustansiya ang sanhi ng maikling braso. Kung kulang sa sustansiya, apektado rin ang memorya ng isang tao.