Dear Attorney,
Legal po ba na sa katapusan pa ng December ibigay ang 13th month pay? Sabi ng employer ko ay bumale na lang ako kung gusto kong may maiuwi bago ang katapusan. — Roy
Dear Roy,
Itinakda ng batas na dapat ay matanggap ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay ng hindi lalampas ng December 24.
Malinaw na nakasaad sa Presidential Decree No. 851 na ang layunin ng batas para sa pagbibigay 13th month pay ay para makapag-celebrate nang maayos sa Pasko ang mga empleyado. Mawawalan ng saysay ang pagbibigay ng 13th month pay kung matatanggap ito ng mga empleyado matapos ang Kapaskuhan.
Maaring ireklamo ang mga employer na hindi susunod dito. Sa sitwasyon mo ay option ito upang madala na at nang sumunod na ang iyong employer sa kung ano ang nakasaad sa batas sa mga susunod na taon.