^

Punto Mo

Pulis sa India, iniligtas ang buhay ng isang ahas sa pamamagitan ng ‘mouth-to-mouth resuscitation’!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAG-VIRAL sa mga Indian netizens ang video ng isang pulis sa Madhya Pradesh na mina-mouth-to-mouth ang isang ahas!

Naging laman ng mga balita sa India si constable Atul Sharma matapos maging viral sa mga social networking sites kung saan mapapanood siya na binibigyan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) o mouth to mouth resuscitation ang isang ahas na nalason ng pesticide.

Naganap ang insidente noong Oktubre nang pumasok ang isang non-poisonous snake sa pipeline ng isang residential colony. Hindi mapaalis ng mga residente sa pipeline ang ahas kaya binuhusan nila ito ng pesticide. Nang hindi nila alam kung anong susunod na gagawin, humingi sila ng tulong sa mga pulis.

Ang rumespondeng pulis ay si Atul Sharma, isang self-proclaimed “snake rescuer”. Mapapanood sa viral video na pagkatapos makuha ni Sharma ang ahas sa pipeline, agad niya itong binigyan ng mouth-to-mouth resuscitation pagkatapos ay binuhusan niya ito ng malinis na tubig upang hugasan ang pesticide sa katawan nito. Nang magkaroon ng malay ang ahas, nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.

Ayon kay Sharma, naka­pagligtas na siya ng 500 ahas sa nakaraang l5 taon bilang “snake rescuer”. Natutunan niya ang pagligtas sa mga ahas dahil sa kakapanood niya ng mga animal documentaries sa Discovery Channel.

May ilang mga beterinaryo sa India ang bumatikos sa video at nagsabing hindi kayang makapag-revive ng naghihi­ngalong ahas ang pagbibigay ng mouth-to-mouth resuscitation. Maaaring nagkataon na nagkaroon lang talaga ng malay ang ahas.

Pero sa kabila nito, marami pa ring netizens ang humahanga kay Sharma at itinuturing siyang “hero” sa matapang niyang pagligtas sa ahas.

AHAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with