Lalaki na nakapulot ng 4.87 carat na diamond, inakalang bubog lamang ito!
Isang lalaki sa U.S. na nagngangalang Evans ang nasorpresa nang malamang totoong diamond ang napulot niya sa Crater of Diamonds State Park matapos akalain na bubog lamang ito!
Ayon sa Arkansas Department of Parks, Heritage and Tourism, unang beses bumisita ni Evans sa state park at sampung minuto pa lamang silang naglalakad-lakad dito ay nakapulot siya ng inakala niyang bubog na hugis pyramid.
Ang Crater of Diamonds State Park ay isang state park na dating minahan ng diamonds. Ito lamang ang diamond-bearing site sa buong mundo na bukas sa publiko. Paminsan-minsan may mga turista rito na nakakapulot ng diamond.
Matapos iuwi ang inakalang bubog, hinikayat si Evans ng kanyang anak na ipasuri ang bubog sa Gemological Institute of America. Matapos ang ilang linggo, nakumpirma na ang bubog ay isang 4.87 carat na diamond.
Ipinarehistro ni Evans ang natagpuang diamond sa state park at tinawag itong “Evans Diamond”. Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung ibebenta ni Evans ang kanyang diamond o itatago ito.
- Latest