1. Pandak si Napoleon Bonaparte. Hindi totoo. Ang height niya ay 5’6 at iyon ay “slightly above average” para sa isang Frenchman nang panahong iyon.
2. Nagiging dahilan ng pulikat ang paglangoy kaagad pagkatapos kumain. Ang totoo, ang pag-inom ng alak bago lumangoy ang nagbibigay ng malaking tsansa na pulikatin. Ang epekto ng paglangoy nang busog ay sa dahilang kinakapos sila ng paghinga.
3. Mas bibilis ang pagkulo ng tubig kung mayroon itong kahalong asin. Hindi totoo dahil lalo lang tatagal ang pagkulo kung may asin ang tubig.
4. Kailangang lagyan ng vegetable oil ang tubig na pagpapakuluan ng pasta para hindi magdikit-dikit. Hindi ipinapayong gawin ito dahil ginagawa mo lang “greasy” ang pasta. Haluin nang madalas ang pasta habang pinakukuluan para hindi magdikit-dikit.
5. May three wise men na dumalaw kay Hesus nang siya ay ipinanganak. Walang tinutukoy na bilang sa Bibliya kung ilan ang Wise Men. Assumption lang ang numerong “tatlo” dahil sa tatlong klase ng regalo na ibinigay sa sanggol: gold, myrrh and frankinsense. Ngunit walang kinalaman ang tatlong regalo sa bilang ng Wisemen na bumisita.
6. Nakakasakit ng ulo ang vetsin. Walang scientific proof or studies na makakapagpatunay na ang vetsin ay dahilan ng pagsakit ng ulo. Mga kuwentu-kuwento lang o tinatawag na anecdotal evidence ang pinagbasehan na ang vetsin ay sanhi ng sakit ng ulo.
7. Hindi pinapawisan ang mga aso. Ang paglalaway nito ay equivalent sa pagpapawis niya. Naglalaway ang aso dahil humihingal siya at ang paghingal nito ay isang paraan para ma-regulate ang temperature ng kanyang katawan. Ang totoo, pinapawis ang aso. Lumalabas ang pawis nito sa footpad.
8. Bumagsak sa Math si Einstein. Bumagsak siya sa entrance test ng isang eskuwelahan pero excellent pa rin ang kanyang kakayahan sa Math.
9. May five senses tayo. Ayon sa mga scientists, may 21 senses tayo. Kasama na roon ang balance, pain at temperature.
10. Lalong dumarami ang plema kung iinom ng gatas. Hindi totoo. Hindi kailangang iwasan ang pag-inom ng gatas kapag may sipon at ubo.