Bundok

Noong 1973, ang Grace Baptist Church ay nagpatayo ng bagong simbahan sa isang lugar sa New Jersey, U.S.A. Isa sa requirement para bigyan ng permiso ang simbahan na maga­mit sa religious activity ay may malawak na parking space sa paligid ng simbahan. Kaso, maliit lang ang parking space ng simbahan dahil ang tagiliran at likuran nito ay bundok ang nakatayo. Kailangan ang malaking budget para mapatag ang bundok at i-convert sa parking lot.

Paano nila aalisin ang bundok sa tabi ng kanilang simbahan nang hindi gagastos nang malaking halaga? Nawawalan na ng pag-asa ang pamunuan ng simbahan. Pero biglang nagsalita ang isang pastor:

“Ano ba kayo, nakalimutan na ba ninyo ang sinabi ng Panginoong Diyos sa Matthew 17 verse 20? Lahat ay posible sa mga naniniwala sa Kanya. Kung naniniwala kayo sa Kanyang pangako, magkita-kita tayo mamayang gabi at sabay-sabay nating ipagdasal na sana’y mapatag ang bundok sa ating tabi.”

Ilang araw ang lumipas pagkatapos magdasal ang mga tao, may tumawag sa simbahan. Ito’y representaive ng local telephone company. Ayon sa kuwento, magtatayo raw sila ng building sa isang lugar na malambot ang lupa. Kailangan daw nila ng maraming lupang panam­bak para tumigas ang lupang pagtatayuan ng building. Maaari raw bang bilhin nila ang lupa na titibagin nila mula sa bundok? Sila na ang bahala sa makinang magtitibag at labor cost. Basta’t ang kaila­ngan lang gawin ng pamunuan ng simbahan ay pumayag.

Isang buwan pagkatapos ng phone call na iyon, tatlong milagro ang nangyari: 1) Napatag na ang paligid ng simbahan; 2) Nagkaroon sila ng tatlong malalaking parking lots at 3) Kumita ang simbahan ng 25,000 dollars mula sa bundok na pinuproblema nila.

He said to them, “Because of your little faith. For truly, I say to you, if you have faith like a grain of mustard seed, you will say to this mountain, ‘Move from here to there,’ and it will move, and nothing will be impossible for you.” – Matthew 17:20

Show comments