^

Punto Mo

Agham sa reindeer ni Santa Claus

PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Isa sa mga karaniwang karakter na lumilitaw tuwing kapaskuhan si Santa Claus. Pinupukaw niya ang interes at imahinasyon ng maraming maliliit na bata na hindi maaaring hindi magtanong o magtaka habang lumalaki kung totoo ba o likhang-isip lang si Santa Claus.

Kung merong mga isyu sa katauhan ni Santa Claus, ganoon din naman ang mga reindeer na katuwang niya sa pagbibiyahe dala ang mga regalo niya para sa mga tsikiting. Meron ba talagang reindeer sa totoong buhay?

Ayon nga sa nagkalat na mga impormasyon lalo na sa internet tulad ng sa Franklin Institute, totoong merong reindeer na mas kilala sa tawag na caribou (Rangifer tarandus). Miyembro sila ng lahi ng mga usa. Namumuhay sila sa hilagang bahagi ng Europe, Asia, at North America. Pinakamarami yung mga nagkukumpulan sa Russia.

Ilan sa mga reindeer ay merong mapupulang ilong dahil, ayon sa ilang mga scientist, maraming nakatipon ditong blood vessels. Sinasapantaha ng ibang scientist na ang pulang ilong ay dahil sa parasitic infection.

Hindi rin nakakalipad ang mga reindeer dahil sila ay mga mammal. Nahihila nga ba nila ang paragos (sleigh) ni Santa? Ilang taon na ang nakararaan, kinalkula ng Telegraph ng U.K. na kakailanganin ang 5.6 milyong reindeers para mahila ang kargadang 925,000 tonelada ng mga laruan.

Sa mga usa, ang reindeer lang ang tinutubuan ng mga sungay.  Pero, tuwing kapaskuhan, nawawalan ng sungay ang mga lalaking reindeer na ibig sabihin, ang mga reindeer ni Santa ay maaaring puro babae o ang mga lalaki ay tinanggalan ng sungay.

Isinaad naman sa National Geographic na ang sungay ng mga lalaking reindeer ay humahaba nang hanggang 1.4 meters. Maaaring mabuhay ang mga reindeer nang hanggang 15 taon sa kagubatan bagaman tumatagal nang hanggang 20 taon ang inaalagaan ng mga tao.

Kahit may kalakihan ang mga reindeer, target silang kainin ng wolverines, bears, at eagles.

Nasa snow ang 40 porsiyento ng buhay ng reindeer na dahilan para makaangkop sila sa maginaw na paligid.

Ang reindeer ay isa sa 43 species ng mga usa sa mundo. Ayon sa A-Z Animals, Kauri nila ang mga giraffe, bison, hippo, pigs, camel, at sheep na nabibilang sa Cervidae family.

Ang reindeer lang ang tanging uri ng usa na inaalagaan mnang maraming tao sa kanilang bahay na nakaugalian na sa nagdaang 2,000 taon. Inaalagaan sila para makain ang kanilang karne, mainom ang kanilang gatas, magamit ang kanilang mga balahibuhing balat at sungay at bilang sasakyan. Kaya hindi lang si Santa ang gumagamit sa reindeer para sa transportasyon. Ginagamit din sila ng ibang tao sa paglalakbay gamit ang mga sleigh.

Kapag summer, karaniwang kinakain ng reindeer ang mga berdeng dahon, damo, kabute, at sedges.  Tuwing winter, kinakain lang nila iyong tinatawag na lichens.

Naging popular ang reindeer dahil kay Rudolph the Red-Nosed Reindeer ni Santa Claus.

-oooooo-

Email: [email protected]

SANTA CLAUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with