^

Punto Mo

Canadian cyclist, nakatanggap ng Guinness Record nang magbisikleta na hindi ginagamit ang kanyang kamay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG siklista sa Alberta, Canada ang nakapagbisikleta ng may layong 80 miles na hindi hinahawakan ang handlebar ng kanyang bike!

Kinumpirma kamakailan ng Guinness World Records na ang cyclist na si Robert Murray ang bagong world record holder ng titulong “Greatest Distance Cycled (no hands)” matapos itong makapagbisikleta ng may layong 80.95 miles sa loob ng 5 oras at 37 minuto.

Sa panayam kay Murray, sinabi nito na kinaya niya ang magbisikleta ng halos 81 miles dahil sa tuwing magbibisikleta siya ay hindi naman talaga siya humahawak sa handlebar. Para kasi sa kanya, mas kompor­table at hindi siya nangangawit at nakukuba sa ganitong posisyon. Namamasahe rin niya ang kanyang binti kapag hindi siya nakahawak sa handlebar. Bukod dito, nakakapag-text, nakakainom siya ng tubig at marami pa siyang ibang nagagawa sa ganitong paraan ng pagbibisikleta.

Ginawa ni Murray ang record attempt na ito para ma­ging fundraiser at makakalap ng pondo para sa Alzheimer’s Society of Calgary. Naisip niya na magandang pagsabayin ang Guinness World Record attempt at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Alzheimer’s habang nagbibisikleta.

Matapos mapagtagum­payan na makuha ang world record title na ito, balak naman niyang masungkit ang titulong “world’s largest ice cream party” sa susunod na taon.

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with