Eric Celis, pinagdingas ang problema ng SMNI
NANINDIGAN si Atty. Harry Roque na mali ang utos ng kongreso na ikulong ang dalawang program anchor ng SMNI na sina Eric Celis at Lorraine Badoy-Partosa. Ito ay dahil sa pag-iwas ng dalawa na sagutin ang mga tanong ng mga kongresista hinggil sa pagpapakalat ng mga ito ng fake news sa kanilang TV program.
Hindi naman nakapagtataka na kampihan ni Roque ang dalawa dahil isa rin siya sa broadcasters sa SMNI. Lalong naging kumplikado ang sitwasyon nina Celis at Badoy-Partosa sa mga nangyayari. Tama ba naman ang sinabi ni Celis na “kangaroo court” ang Kongreso? Mali talaga!
Matatandaan na naging party-list congressman din si Roque pero binaklas siya ng sariling grupo matapos ang pag-uusisa nito kay Atty. Leila de Lima. Noong 2016 nanalo ang Kabayan party-list ni Roque. Tumakbong senador si Roque sa ilalim ng Peoples Reform Party at umalyado sa UniTeam noong 2022 pero natalo rin. Nagkakawatak-watak na ngayon ang UniTeam. Kulang kaya sa suwerte sa pulitika si Roque. He-he!
Lumahok naman si Roque sa grupo nina Celis at Badoy-Partosa sa SMNI Laban Kasama ang Bayan na ngayon ay malamang na mawalan naman ng prangkisa. Ano ba ‘yan Atty. Roque? Totoo kaya ang kasabihan na may mga taong napakagaling kung nag-iisa pero mabigat na kasama? Hmmm.
- Latest