^

Punto Mo

EDITORYAL - Chinese drug ­traffickers nararapat ding bitayin

Pang-masa
EDITORYAL - Chinese drug ­traffickers nararapat ding bitayin

ISA ang China sa mga bansa na may mahigpit na batas laban sa drug traffickers. Sa nasabing bansa, walang patawad ang batas sa sinumang mahuhulihan ng droga. Ang sinumang mahuhulihan ng 50 gramo ng droga ay may katapat na parusang kamatayan. Hindi sila nagpapatawad sa sinumang lumabag sa batas. Ang batas ay batas at kailangang maisilbi sa mga nagkasala. Ganyan kahigpit at kabangis ang batas sa China.

Noong nakaraang linggo, dalawang Pinoy ang binitay sa China dahil sa drug trafficking. Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang ginawaran ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection. Ginawa umano ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng hakbang upang maisalba sa bitay ang dalawa at mapababa ang sentensiya subalit sadyang mahigpit ang batas ng China. Ipinagkaloob umano ng pamahalaan ang lahat ng legal assistance sa dalawang Pinoys mula nang maaresto ang mga ito noong 2013 makaraang magpasok ng kilu-kilong shabu sa China. Hindi na pinangalanan ang dalawa sa kahilingan ng mga pamilya nito.

Hindi ito ang unang pag-execute sa mga Pilipinong drug courier. Noong Marso 2011, tatlong Pinoys—isang lalaki at dalawang babae ang ni-lethal injection makaraang mapatunayan na nagpasok ng kilu-kilong heroine sa China noong 2008. Umapela ang gobyerno ni President Noynoy Aquino pero hindi pinagbigyan. Ginawa rin ang lahat nang paraan para mapababa ang sentensiya pero walang nangyari.

Noong Disyembre 2011, isa na namang 35-anyos na Pinoy ang ni-lethal injection sa Guangxi province makaraang mapatunayan na nagpasok nang kilu-kilong heroine.

Ayon sa report, may mga Pinoy pang nasa death row—pawang may kaugnayan sa droga ang kaso. Hindi pa tiyak kung kailan sila papatawan ng parusa. Ginagawa rin umano ng pamahalaang Pilipinas ang lahat nang paraan para mailigtas ang mga convicted Filipinos.

Mabigat ang drug trafficking. Dito sa bansa, talamak ang problema sa droga. Marami ring nagpapasok ng shabu at ang iba ay may sarili pang laboratory. Maraming dayuhan—Chinese, Nigerians, Mexicans ang nasa kulungan dahil sa drug trafficking. Masu­werte sila at walang death penalty sa Pilipinas.

Isang dahilan marahil kaya ginagawang “paraiso ng drug traffickers” ang Pilipinas ay dahil magaan ang parusa—habambuhay na pagkabilanggo lamang. Dapat magsampol ang pamahalaan at parusahan din ng kamatayan ang mga dayuhang drug traffickers—unahin ang mga Chinese.

DRUG TRAFFICKING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with