^

Punto Mo

Puwede bang tumanggi na mag-OT?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kulang po ang ibinabayad sa a­ming overtime pay. Puwede ba kaming tumanggi kapag pinag-o-overtime ng aming employer? —Jake

Dear Jake,

Maari lamang ipag-utos ng employer ang pag-o-overtime kung ang dahilan nito ay pasok sa Article 89 ng ating Labor Code.

Kailangang mag-overtime ng empleyado kung (1) may digmaan o national emergency; (2) may lokal na kalamidad kung saan kailangan ang pag o-overtime ng mga empleyado upang maisalba ang buhay ng mga tao, maiwasan ang pinsala sa mga ari-arian at upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko; (3) kailangan ng agarang pagkukumpuni sa mga makinarya at iba pang mga kagamitan upang maiwasan ang malubhang pagkalugi ng employer; (4) kaila­ngang maiwasan ang pagkasira ng mga perishable goods; at (5) kailangang tapusin ang trabahong nasimulan na sa ikawalong oras ng trabaho upang maiwasan ang perwisyo sa negosyo o operations ng employer.

Sa madaling sabi, kung wala naman sa mga nabanggit ang dahilan ng pagpapa-overtime sa inyo ay maari n’yong tanggihan ang utos na mag-overtime.

Kailangan n’yo nga lang suriin mabuti ang dahilan ng utos sa inyong mag-overtime dahil maari kayong maging guilty ng insubordination o pag-suway sa employer na puwedeng ground para sa pagkakatanggal n’yo sa trabaho.

Dapat n’yong ihiwalay ang isyu ng hindi pagbabayad ng tamang overtime pay. Kung may sapat namang dahilan ang employer n’yo para kayo ay utusang mag-overtime, may obligasyon kayong sundin ito. Kung matapos n’yong mag-overtime ay hindi kayo babayaran ng tama ay saka kayo magsampa ng reklamo sa kinauukulan upang masingil mula sa inyong employer ang dapat na ibinayad sa inyo.

OVERTIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with