Bar sa Japan, pinipilahan dahil sa mga waitress na nananampal!

ISANG izakaya o bar sa Nagoya, Japan ang kontrobersiyal ngayon dahil sa kakaibang serbisyo na binibigay nito sa kanilang mga customer, pananampal!

Bukod sa malutong nilang chicken karaage, nakilala ang Shachihoko-ya izakaya dahil sa mga ­waitress nila na nagbibigay ng malutong na sampal.

Sa panayam sa manager ng Shachihoko-ya, ang pa­nanampal sa mga customer ang nagpalakas sa mahina nilang bar. Noong una, isang waitress lang ang nananampal sa mga customer. Pero ngayon na naging in-demand na ang kanilang kakaibang serbisyo, nag-empleyo na sila ng ilang kababaihan na nananampal sa halagang 100 yen (katumbas ng P37).

Sa report ng Liberty Times Net, may isang suki ng bar na nagbayad ng 500 yen para siya ang pumili sa kung sinong waitress ang sasampal sa kanya. Sumikat ang face-slapping service nila at pati mga fo­reigners ay dumadayo rito para magpasampal.

Matapos mag-viral sa mga social media websites ang mga videos ng pananampal, nakatanggap ng pambabatikos ang bar kaya nito lamang nakaraang buwan, nag-anunsyo ang Shachihoko-ya na ititigil na nila ang serbisyong ito. Nakiusap sila na huwag nang umasa ang mga dadayong turista na makakatanggap sila ng pananampal mula sa kanilang mga waitress.

Show comments