Genius na baby, naging pinakabatang miyembrong high iq society na mensa sa edad na 2!
NAKAPAGTALA ng bagong world record ang isang 2-years-old na batang babae sa Kentucky, U.S. nang maging pinakabatang miyembro siya ng high IQ society na Mensa!
Kinumpirma kamakailan ng Guinness World Records na ang batang si Isla McNabb ang pinakabagong world record holder ng titulong “Youngest Mensa Member (Female)”.
Ito ay matapos makakuha si Isla ng score na 99th percentile of intelligence para sa kanyang age group sa Stanford-Binet Intelligence Scales.
Ang Mensa ay ang pinakamalaking high-IQ society sa buong mundo. Upang maging miyembro nito, kailangang makakuha ng 98th percentile o mas mataas na score sa standardized IQ test. Sa kasalukuyan, mayroon 150,000 members ang Mensa sa iba’t ibang panig ng mundo. Ilan sa kilalang miyembro ng Mensa ay ang Hollywood comedian na si Steve Martin at ang dating child star na si Nolan Gould na nakilala sa sitcom na Modern Family.
Ayon sa mga magulang ni Isla na sina Jason at Amanda McNabb, sa edad na 1 year old ay kabisado na ng kanilang anak ang alphabet at kalaunan ay marunong na itong magbasa.
Isinali ng mag-asawang McNabb ang kanilang anak sa Mensa sa pag-asang mapapayabong pa lalo ang talino ni Isla kapag member na siya nito.
Umaasa ang mag-asawang McNabb na ang pagsali ni Isla sa Mensa ay mapayabong ang talino ng kanilang anak sa tulong ng iba pang mga miyembro nito. Naniniwala kasi sila na ang pinakamalaking benepisyo ng pagiging Mensa member ay ang makasalamuha ang komunidad nito.
- Latest