Good habits para sa maayos na buhay
• Kung may kabigatan ang iyong trabaho na gumagamit ng pisikal na lakas, mainam na uminom ng tubig kada dalawang oras upang ma-hydrate ang iyong katawan. Nakakapanumbalik pati ito ng lakas.
• Ang magalit ay “instinct” ngunit ang pagkontrol nito ay “strength”.
• Mas maraming fresh food mula sa puno at halaman ang kainin kaysa processed foods.
• Magpasalamat bago matulog.
• Bigyan ang sarili na magpahinga at maglibang.
• Dalawang taon bago tayo natutong magsalita pero habang buhay tayong mag-aral manahimik kung away at gulo ang magiging resulta ng pagsasalita mo.
• Maglaan ng 10 minutes “silent prayer” pagkagising tuwing umaga.
• Matulog ng hindi bababa sa pitong oras.
• Mag-ehersisyo o maglakad hanggang 30 minuto kada araw.
• Huwag mong ikumpara ang iyong buhay sa iba dahil malulungkot ka lang.
• Tanggapin na ang buhay ay isang eskuwelahan na magdudulot sa iyo ng aral. Isipin mo na ang mga paghihirap na nararanasan mo ay parte lang ng curriculum. Lilipas din iyan at maipapasa mo nang buong husay.
• Laging isipin na ikaw ang pinakamaganda sa balat ng lupa. Makakasanayan mo na yan hanggang maniwala ka at magkaroon ng self confidence.
• Lahat ay may kanya-kanyang opinyon. Huwag aksayahin ang oras sa pakikipagtalo dahil lahat ng tao ay naniniwalang ang opinyon lang niya ang tama.
• Huwag patatagalin hanggang 24 hours ang galit mo sa mahal sa buhay. Resolbahin ang problema hangga’t maaga.
• Gawin kung ano ang tama.
• Huwag maging palaasa. Kung ikaw ay babae, sikapin mong magkaroon ng sariling pagkakakitaan. Iba ang pakiramdam ng may sariling pera. Nagkakaroon ng self-confidence at nagiging matatag ang kalooban.
- Latest