^

Punto Mo

EDITORYAL - Kaanak ng ­Maguindanao ­massacre victims, uhaw pa rin sa hustisya

Pang-masa
EDITORYAL - Kaanak ng ­Maguindanao ­massacre victims, uhaw pa rin sa hustisya

NOBYEMBRE 23, 2009. Ito ang petsang hindi malilimutan ng mga kaanak ng 58 kataong minasaker sa Maguindanao. Karamihan sa mga pinatay ay miyembro ng media. Labing-apat na taon na ang nakararaan subalit nanatili pa ring uhaw sa hustisya ang mga kaanak ng biktima. Hindi pa rin sila nakatatanggap ng kabayaran para sa nawalang kaanak.

Ang pangyayaring iyon ang pinaka-karumal-du­mal na krimen na naganap sa  bansa na may kaugnayan sa election. Nahatulan na ang mga “utak” sa massacre— ang pamilya Ampatuan – subalit marami pa rin ang nakalalaya at sa kasalukuyan ay naghahatid ng takot sa mga naulila ng mga biktima.

Sariwa pa sa alaala ng mga kaanak ng mga biktima ang pangyayari. Nagtungo sa Ampatuan, Maguinda­nao ang convoy na kinabibilangan ng asawa, kaanak, supporters ng kandidatong si Ismael Mangudadatu para mag-file ng kandidatura sa pagka-governor, kasama nila sa convoy ang 32 mamamahayag. Subalit hinarang sila ng 100 armadong kalalakihan at walang awang pinagbabaril. Nang inaakalang patay na lahat, inilibing sila sa isang ipinasadyang malalim na hukay. Pati ang mga sasakyan ay inihulog din sa hukay para maitago ang krimen.

Natuklasan ang mga bangkay at itinuro ang pa­milya Ampatuan na nasa likod ng krimen. Sinampahan ng kaso ang mga Ampatuan at 100 iba pa. Noong Disyembre 20, 2019, ibinaba ang hatol sa kanila. Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court kina Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan at Datu Anwar Sr. —mga anak ni Ma­guindanao governor Andal Ampatuan Sr. na isa rin sa mga akusado subalit namatay sa bilangguan bago pa ibinaba ang hatol. Sa kabuuan, 28 ang hinatulan ng korte sa massacre. Noong Huwebes, kasabay sa ika-14 na taon ng masaker, hinatulan si Andal Ampatuan Jr. ng 210 taong pagkakulong dahil sa graft.

Ayon sa report, marami pang suspect ang nakalalaya at natatakot ang mga kaanak ng mga biktima na gantihan sila.

Matatahimik umano ang kalooban ng mga kaanak ng mga biktima kung mahuhuli at mapaparusahan din ang iba pang kasangkot. Hangga’t hindi naikukulong ang mga sangkot, nasa panganib ang kanilang buhay at hindi magkakaroon ng kapanatagan ang isipan.

MASSACRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with