15 unwritten rules of life

1. Huwag mong ipilit ang iyong paniniwala sa iyong mga kaibigan.

2. Magpasabi muna kung bibisita ka sa bahay ng ibang tao upang maiwasang maging “unwanted guest”.

3. Kung nagkamali ka, huwag magdalawang isip na humi­ngi ng tawad.

4. Kung may ipinakitang talent sa iyo ang isang bata o bagay na ginawa niya, ipakita mong natutuwa ka at humahanga ka sa kanya.

5. Huwag gumamit ng telepono kapag may kausap ka. Itago muna ito habang nag-uusap kayo.

6. Huwag asahan na kilalang-kilala mo na ang iyong kaibigan para di ka mabigla pagdating ng araw. May ugali ang mga tao na nagbabago sa hindi mo inaasahang pagkakataon.

7. Kung gusto mong manatili ang inyong magandang samahan na magkaibigan, huwag kang makikitulog sa kanilang bahay o huwag mo siyang patutulugin sa iyong bahay.

8. Ang iyong kalusugan ay mas mahalaga kaysa career at pera.

9. Huwag hingin ang kaisa-isang bagay na pag-aari ng iyong kaibigan.

10. Kung nagpapatawa ang kaibigan, tumawa ka kahit hindi ito nakakatawa.

11. Iwasang mag-propose sa nobya sa wedding ng ibang tao. Moment nila ‘yun. Kahit pa wedding iyon ng iyong kapamilya.

12. Kung mas importante sa iyo na mawala  sa iyong buhay ang isang taong nakakabuwisit kaysa pera, pautangin mo siya. Siya mismo ang lalayo dahil hindi na siya magbabayad.

13. Huwag magbigay ng financial advice kung hindi ka naman 100 percent na eksperto. Sisirain mo lang ang kanyang buhay.

14. Ugaliing magsabi ng sorry, please at thank you.

15. Kapag may ipinakitang photo ang kaibigan mula sa kanyang telepono, huwag mo itong i-swipe sa left and right. Tingnan mo lang ang ipinakikita sa iyo.

Show comments