Benepisyo at perwisyo ng pagkain  

Pagkaing humahadlang o nagpapaantala sa pagputi ng buhok:

1. Leafy green vegetables — mayaman sa vitamin B na may kinalaman sa pagpo-produce ng red blood cells at hormones. Ang hormones ay isa sa dahilan kung bakit nagiging malusog, makintab at may kulay ang buhok.

2. Chocolate—mayaman sa copper na lumilikha ng melanin. Ang melanin ang dahilan kung bakit may kulay ang buhok. Pagputi ng buhok ang resulta ng kakulangan sa copper.

3. Salmon—isa sa pagkaing-dagat na pinanggagalingan ng selenium na dahilan para makalikha ng hormones.

4. Berries—may vitamin C na nagpapabagal ng “aging process”. Ang pagputi ng buhok ay may koneksiyon sa pagtanda.

Pagkaing nakakabaho ng katawan kapag sobra na:

1. Red meat—matagal matunaw ang karne kaya habang nasa ating tiyan ay nagpapakawala ito ng toxins sa dugo na nagiging sanhi ng body odor.

2. Junk foods—ang processed foods ay may asukal, mantika at preservative na matagal matunaw. Ang mga pagkain ay naiipon sa bituka at nagiging acid. Ang acid ay sisingaw sa katawan bilang utot, bad breath at maasim na pawis.

3. Kape—ito ay nagpapalakas ng acidity sa katawan na nagiging sanhi ng bad breath.

4. Dairy products—ang dairy products ay may protina na nagiging sulphurous by-products na nagiging sanhi ng bad breath.

5. Sibuyas—lalong magbibigay ng masamang amoy kapag kinain nang hilaw. Ito ay nagdudulot ng sulphurous gas, hahalo sa dugo at saka sisingaw sa katawan kasama ng pawis. Kaya may pawis na amoy sibuyas.

Show comments