Alak sa Australia, nilalagyan ng langgam para maging mas malasa!
ISANG food company at distillery sa Australia ang naglalagay ng langgam sa kanilang gin dahil nakapagbibigay ito ng citrus flavor!
Nag-collaborate ang food company na Something Wild at ang Adelaide Hills Distillery at gumawa sila ng kakaibang alak na nagpapakita ng unique na pamumuhay ng Australian aborigines.
Ang mga green ant o weaver ants ay source of protein ng Australian aborigines noong sinaunang panahon. Ang larvae at abdomen ng mga langgam na ito ay may lemon at lime flavor na pinaniniwalaang nakapagpapagaling ng ubo, sakit ng ulo at sore throat.
Simula ng nilabas sa merkado ang Green Ant Gin noong 2017, naging patok ito sa mga mamimili at nakatanggap ng awards mula sa mga spirits competition sa iba’t ibang panig ng mundo. Mabibili ito sa Australia sa halagang 100 Australian dollars (katumbas ng P3,570).
- Latest