Makakalimutin sa pagtanda
Ayon sa journal of Neurology, mas mataas ang panganib na maging makakalimutin ang matatandang may blood type AB. Dagdag pa dito, mahihirapan na rin silang matuto ng mga bagay na bago sa kanilang kaalaman dahil humihina ang kanilang memorya habang nagkakaedad.
Stomach cancer
Base sa pinag-aralan ng American Journal of Epidemiology, ang tsansa na dapuan ng stomach cancer ang type AB ay 26 percent; type A ay 20 percent. Ang pinakamababa ang tsansa ay type B at O.
Stomach ulcer
Type O ang may pinakamataas na panganib na magkaroon ng ulcer kumpara sa ibang blood type.
Sakit sa puso
Ayon sa Harvard School of Public Health, mataas ang tsansang magkasakit sa puso ang type AB at B. Ang pinakamababa ay type O.
Pancreatic cancer
Mula sa pagsasaliksik ng Journal of the National Cancer Institute, 72 percent ang tsansa na magkaroon nito ang type B; AB ay 51 percent; A ay 32 percent at ang pinakamababang tsansa ay type O.
Type 2 diabetes
Mas mataas ang tsansa ng type A at B kumpara sa type O.
Sa kabila ng mga sakit na maaaring dumapo sa atin, applicable pa rin ang palasak na kasabihang “prevention is better than cure”. Pangalagaan ang kalusugan alang-alang sa ating sarili at sa mga nagmamahal sa atin.