Bakit mahirap ­humanap ng lalaking mapapangasawa?

• Kapag pogi, ang “brain” ay empty.

• Kung matalino, sobra namang seryoso.

• Kapag mayaman, para namang hari kung umasta.

• Kapag hardworking naman, wala siyang time para asikasuhin ang misis niya.

• Kapag nagiging seryoso na sa iyo at tipong nakalimutan na ang kanyang “ex”, biglang magpaparamdam si “ex” at hindi titigil sa katatawag.

• Kapag mabait at mapagkumbaba,wala namang pera.

• Kapag responsable, hindi marunong maglambing.

• Kapag mataas ang pinag-aralan, laging siya na lang ang tama.

• Kapag mababa ang pinag-aralan, nagagalit kapag kinorek mo siya.

• Kapag ismarte naman, ang galing maglubid ng kasinungalingan..

6 na bagay na laging sinasabi ng “cheaters”

1. Isang beses lang nangyari ‘yun.

2. Ikaw ang nagtulak sa akin kaya nangaliwa ako.

3. So you don’t trust me?

4. Hindi mo ako naiintindihan.

5. Wala akong ginagawa, insecure ka lang.

6. Hindi totoo ‘yun. Mga kaibigan mo ang nagsumbong di ba? Noon pa ay hindi nila ako gusto para sa iyo.

Show comments