^

Punto Mo

Pagkakaiba ng separation pay sa back pay at final pay

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ano po ba ang pagkakaiba ng separation pay sa back pay at final pay? Lagi ko po kasi silang naririnig at gusto ko sanang malaman kung alin ang mga matatanggap ko kapag ako ay nag-resign na sa trabaho. Maraming salamat po. —Reanne

Dear Reanne,

Magkakaiba ang separation pay at ang back pay o final pay.

Ang separation pay ay ang halagang maaring matatanggap ng isang manggagawa kung ang kanyang pagkatanggal sa trabaho ay dahil sa mga tinatawag na “authorized causes” tulad ng pagkalugi ng negosyo, kalabisan ng dami ng empleyado, o kakulangan ng trabaho para sa mga manggagawa.

Maaring makatanggap ng katumbas ng kalahati hanggang isang buwan na sahod kada taon ng naging serbisyo ang emple­yado, depende sa dahilan ng kanyang pagkakatanggal.

Samantala, ang back pay at ang final pay ay maari at madalas napagpapalit dahil iisa lang naman ang tinutukoy nila. Ang back pay o ang final pay ay ang kabuuang halaga na dapat matanggap ng empleyado, matapos siyang mawalay sa serbisyo. Kabilang na rito ang sahod na hindi pa niya natatanggap matapos siyang mag-resign o matanggal sa trabaho at ang bahagi ng kanyang 13th month pay.

Sa sitwasyon mo kung saan ang pag-alis sa serbisyo ay bolun­taryo sa pamamagitan ng pagre-resign, ang back pay o final pay lamang ang tanging matatanggap ng empleyado. Katulad ng naunang nabanggit, ang separation pay ay angkop lamang sa mga sitwasyon kung saan tinanggal ang empleyado bunsod ng mga authorized causes o iyong mga dahilang pinahihintulutan sa ilalim ng batas.

SEPARATION PAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with